Daughter of FPJ still holding a grudge against Kiko Pangilinan


"Masama pa ba ang loob ko sa kanya? Siyempre, hindi pa naman naliliwanagan yun, di ba? I feel bad about what he did. I don't know him enough to say that I don't like him," said Mary Grace Poe-Llamanzares about Senator Kiko Pangilinan.


Mahigit dalawang taon na ang nakararaan simula nang yumao ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr., pero hanggang ngayon pala ay may kinikimkim pa ring sama ng loob ang kanyang anak na si Mary Grace Poe-Llamanzares kay Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Si Kiko ay nabansagan noong Mr. Noted dahil sa pagtanggi nitong buksan ang election returns noong canvassing sa Kongreso for the 2004 elections, kung saan marami ang naniniwala na si FPJ ang totoong nagwagi bilang Pangulo ng bansa at hindi si Gloria Macapagal-Arroyo.

Para kay Mary Grace at sa kanyang ina at biyuda ni Da King na si Susan Roces ay sariwa pa ang ginawa ni Senator Kiko na pagkakait sa kahilingan ng kampo ni FPJ sampu ng kanyang mga supporters na pabuksan ang mga balota para patunayan na walang dayaang nangyari.

Naniniwala nga si Mary Grace na kung pumayag lang si Kiko na pabuksan ang ballot boxes ay malamang nagkaroon ito ng major impact sa naging resulta ng eleksyon nang mga panahong iyon.

Sa panayam ng TV Patrol World noong Lunes, March 19, hindi na ikinubli at tuluyan nang isiniwalat ni Mary Grace ang hinanakit niya sa asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

"Masama pa ba ang loob ko sa kanya? Siyempre, hindi pa naman naliliwanagan yun, di ba? I feel bad about what he did. I don't know him enough to say that I don't like him. Again, it's not personal, this is just really politics," sabi ni Mary Grace.

Sa kabila nito, nilinaw ni Mary Grace na wala siyang hinanakit kay Sharon at kaibigan pa rin daw ang turing ng pamilya Poe sa Megastar. Taliwas naman ito sa naglabasang balita na nag-walk out si Susan kasama ang ilang kaibigan nang makitang paparating si Sharon sa selebrasyon ng birthday ni Rudy Fernandez kamakailan.

Tumangging mag-comment si Susan sa isyu habang si Sharon ay nagbigay ng pahayag na naniniwala siyang wala silang problema ng biyuda ni FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Mary Grace, hindi rin masama ang loob nilang mag-ina sa mga dating senador na sina Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta na ngayo'y parehong kandidato ng TEAM Unity, ang koalisyon ng administrasyon. Kaibigan pa rin daw ang turing nila sa dalawa.

"For me, right now, I think the goal should be, that hopefully those in... That will promote what would be good for the country will actually win," aniya pa.

Nagbabalak si Mary Grace na pasukin na rin ang magulong mundo ng pulitika, pero pinag-iisipan pa raw niya itong mabuti.

"Of course, I also have to think about my family. For me, if I can really guarantee that I can balance my time..." may pag-aalinlangang pahayag niya.

Maging ang kanyang inang aktres na si Susan ay nag-aalinlangan din sa posibleng pagpasok ng anak sa pulitika.

Samantala, sa selebrasyon ng pista ni St. Joseph noong Lunes, March 19, ay hindi naiwasang maalala ni Mary Grace ang yumaong ama.

"Saint Joseph is a good father," umiiyak na nasabi niya. "I feel that I'm trying to continue the work of my Dad," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN