Pilita Corrales intentionally avoided Lotlot de Leon?


Pilita Corrales and Lotlot de Leon nearly came face-to-face at thehigh schoool graduation of Lotlot's first child with estranged husband RamonChristopher.


Hindi nangyari ang paghaharap muli nina Lotlot de Leon at ng kanyangbiyenan na si Pilita Corrales. Hindi kasi nakadalo si Pilita sagraduation ni Janine, ang anak na babae nina Lotlot at estrangedhusband nitong si Ramon Christopher.

Last Sunday aynagtapos ng high school si Janine sa St. Paul's Pasig. Gaya ngnakaugalian ng kahit na sinong magulang kapag may guma-graduate naanak, kahit separated na at may ongoing na annulment case, parehongpumunta sina Lotlot at Monching (nickname ni Ramon Christopher) sapagtatapos na ito ng kanilang panganay na anak.

At dahilmay gap sa pagitan nina Lotlot at Pilita, magandang pagkakataon na sanaito para magkita silang dalawa. Marami nga ang nag-abang kung ano sanaang posibleng maging resulta ng kanilang pagkikita after a long time.

Anginakala ng iba na pagtatagpo nina Lotlot at Pilita ay hindi naganapdahil no-show nga ang ina ni Monching. Kaya ang tanong ng marami ayhindi kaya sinadya ni Pilita na huwag um-attend ng graduation ngkanyang apo para hindi sila magtagpo ni Lotlot?

Anyway,dahil magkaibigan pa rin kahit hiwalay na, parehong in attendance sinaLotlot at Monching sa espesyal na araw na ito para sa kanilang mag-anak.

Tinanong namin si Lotlot kung umiyak ba siya habang tinatanggap ni Janine ang diploma nito sa entablado.

Aniya,"Pigil na pigil, pero talagang naiiyak ako sa sobrang kaligayahan. Kayalang, pinigil ko. Although sobrang happy talaga ako that day habangpinapanood ko ang anak ko na umaakyat sa stage to receive her highschool diploma.

"Isa sa pinakamasarap na pakiramdam parasa kahit na sinong magulang ay ang makitang nakapagtapos ng pag-aaralang kanyang mga anak," pahayag pa ni Lotlot nang nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) last Sunday sa taping ng Princess-Charming.

Masayang-masayasi Lotlot dahil sa wakas ay may anak na siyang nakatapos ng highschool. Dahil matalino raw si Janine, masayang ibinalita ni Lotlot namalaki ang tsansang maging scholar ito sa kolehiyo. Halos lahat daw ngeskuwelahan na kinunan ni Janine ng entrance exams ay nakapasa ito.Nakakagulat din na ang kursong gustong kunin ni Janine sa college aypanlalaki, ang Aeronautics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Pag nag-UP siya, yun angkukunin niya, pero may isa pa siyang choice— European Studies saAteneo. Pinag-iisipan pa niya kung alin dun. Pumasa siya sa apat naschools: Ateneo, La Salle, UP, at University of Asia Pacific," veryproud na pahayag ni Lotlot.

Nang hingan naman ng pahayagsi Lotlot tungkol sa kanyang dating biyenan, ngumiti lamang ito sabaysabing wala siyang kahit na anong comment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN