Ruffa reveals her dreams for her daughters


Ruffa Gutierrez admits that it took her two months to convince her husband Yilmaz Bektas to allow Lorin and Venice to appear in a TV commercial.


Kahit medyo na-tense si Ruffa Gutierrez-Bektas nang mag-guest ang kanyangina na si Annabelle Rama last Sunday sa The Buzz, kung saanpansamantalang humalili si Ruffa kay Kris Aquino, poised na poised pa rinsiya after the interview. Nang tanungin kasi niRuffa ang ina kung sino para sa kanya ang pinaka-plastic na tao sa showbiz,walang kagatul-gatol na sinabi ni Annabelle na, "Una, ikaw yun...Napaka-plastic mo, ‘day!"

Pero idinaan na lang niya sa tawa ang lahat dahil alam niyang may kasamangbiro ang sinabi ng kanyang ina, bagama't kilala rin sa kanyang pagka-prangka siAnnabelle.

Samantala, ikinuwento ni Ruffa na tuwang-tuwa ang kanyang mga in-laws nangmakita ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice sa commercial ng Nido. Peroayon kay Ruffa, nahirapan siyang ipagpaalam ang mga bata sa ama nilang si Yilmaz Bektas.

"Ay, ipinaalam 'yon!" sabi ni Ruffa. "Biruin mong two monthskong ipinaalam 'yon. Sabi nga ni Yilmaz, ako na lang daw ang sumali sacommercial at ibang mga bata na lang ang kunin. Sabi ko, ‘Pwede ba 'yon?Kailangan ang makita sa commercial ay anak natin. 'Yon ang kailangan saendorsement, otherwise, get a cow!' So finally, sabi niya, ‘Ask my Dad and myMom, and if they say yes, yes na rin.'



Ayon pa kay Ruffa, para ma-convince niya ang kanyang in-laws ay nagpa-tweetumsmuna siya at finally nga ay napapayag na rin niya ang mga ito.

"Kasi naman, sabi ko [kay Yilmaz], ‘You must be proud na kinukuha kaming mga anak mo to endorse a product,'" natatawang kwento pa ni Ruffa.



Ikinuwento rin ni Ruffa na mas excited pa sina Lorin at Venice sa ginawa nilangcommercial for Nido kaysa kanya.

May isa pang gagawin na commercial sina Ruffa at ang dalawa niyang anak,pero noong una raw ay isa lang kina Lorin at Venice ang required. Nang malamanito ni Yilmaz ay hindi raw ito pumayag. Gusto ni Yilmaz ay parehong kasama sinaLorin at Venice sa commercial at yun naman ang nasunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang gusto pala ni Ruffa ay maging child psychiatrist si Lorin at lawyer namanang gusto niya para kay Venice. Pero wala raw siyang magagawa kung gustuhin ngmga anak niya na sumunod sa kanyang mga yapak balang-araw.

"Mag-showbiz na lang sila on the side kasi nakikita kong showbiz talaga yung dalawa. Marunong na silang kumaway, parang Miss World!" natatawang pahayag ng former Miss World 2nd Princess bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN