Diether Ocampo on Kristine Hermosa: "Sobrang okay kami ngayon."


"Right now, sobra na kaming okay. Kung mayroon nga kayong mga nababalitaan naisyu, may third party na involve, I guess hindi nila 'yon dapat seryosohindahil wala sa amin 'yon," says Diether Ocampo about his relationship with Kristine Hermosa.


Sinagot lahat ni Diether ang mga isyu na ikinakabit sa kanyaat sa dating asawa na si Kristine Hermosa nang makausap siya ng entertainmentpress sa "Walk This Way" fashion show ng Oakley last March 20 sa SM Mall of Asia.

Unang idinipensa ng aktor ang diumano'ypaglabas ni Kristine kasama si Oyo Sotto.

Ayon kay Diether, hindi pa niya nakakausap si Oyo, "Perowala namang kaso sa akin yun, e. Si Oyoisang malapit na kaibigan ni Kristine, I guess hindi lahat ng tao nakakaalamnoon. Naiintindihan naman natin 'yongganoong sitwasyon, so walang problema."

Dagdag pa niya, minsan lamang siya nakasama sa paglabas ninaKristine at Oyo. "Sila 'yong malimitlumabas kasi mas abala ako... May mga ginagawa akong ibang proyekto, may mganegosyo akong pinagkakaabalahan," paliwanag ni Diether.

Hindi na rin daw apektado ang aktor sa tuwingnali-link si Kristine sa mga kapareha nito sa trabaho.

Nang tanungin kung ano ang tunay na status ng relasyon nilani Kristine, agad na isinagot ni Diether, "Wala, kailangan ko pang manligawdaw, e. So kailangang paghandaan mabutidahil marami akong dapat itama na mga naging experience namin before na ayokonang maulit."

Kaugnay nito, maaaring matagalan pa rin daw ang binabalaknilang pagpapakasal muli.

Paliwanag ngaktor, "Medyo matatagalan pa 'yan. Right now, inaayos namin ang mga trabaho namin dahil medyo nag-o-overlapna 'yong ginagawa naming proyekto ngayon. So after ng Palimos ng Pag-ibig, tinatapos ko 'yong Rounin,mayroon na naman kaming isa pang proyektong pagtatambalan."

Itinanggi din ni Diether na maaring mauna ang pagkakaroon ngbaby bago ang pagpapakasal. Aniya,"Hindi, tina-try pa namin na maging maayos ang lahat, ayaw na namin magkamaliulit tulad ng dati. We're taking itslow, sabi ko nga."

Sa ngayon, masaya naman daw sila ni Kristine sa kanilangsitwasyon. Matatandaan sa isangartikulo ng PEP (Philippine Entertainment Portal),sinabing pareho nina Diether at Kristine na bukas sila sa ideya ng pagde-date o paglabas-labas kasamaang ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa paglalarawan ni Diether, "Right now, ang dami namingnagagawang bagay na nae-enjoy namin as individual. Pero hindi pa rin nawawala 'yong pagmamalasakit namin sa isa'tisa."

Dagdag pa niya, "Right now, sobra na kaming okay. Kung mayroon nga kayong mga nababalitaan naisyu, may third party na involve, I guess hindi nila 'yon dapat seryosohindahil wala sa amin 'yon."

At ang pagmamahal niya para kay Kristine, ayon sa aktor, "Dinaman nasusukat 'yon dahil pinagtibay na ng panahon ang pagsasama namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN