PBB evictee Mikah Dizon denies sex video scandal


"Gifted po ako sa 38-D breasts ko at nasanay na rin akong intrigahindahil dito. Pero naniniwala po ako na dahil sa pag-join ko sa PBB,mawawala na ang intrigang ‘yon [sex video]. Hindi po ‘yon totoo. Hindiako kasama roon, at hindi rin ako escort girl tulad ng sinasabi nila," says Mikah Dizon about rumors that she has a sex video.



Isa sa dalawang unang na-evict sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 si Mikah Dizon, ang tinaguriang Kikay ng Baguio. Ang isa pa ay si Jeremy Hidano na taga-Japan.

Ayon kay Mikah, hindi raw masama ang loob niya na isa siya sa mga pinaalis sa Bahay ni Kuya.

"Para po kasi sa akin, isa nang achievement and fulfillment ang makapasok ako sa Bahay ni Kuya at naranasan ko kung paanong maging housemate," nakangiting wika ni Mikah sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 21, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

"Pero nang tanggapin ko po ang tawag ng PBB, pinag-isipan ko pang mabuti ‘yon. Tinanong ko ang family ko kung alin ang unahin ko: ang studies ko—nasa third year na ako ng Nursing sa University of Baguio—o sayangin ko ba ang opportunity na minsan lang darating sa akin.



"Yun nga lang, nang piliin ko ang PBB, nawala yung chance ko na makakuha ng final exams para matapos ko ang third year ko. Biglaan kasi, hindi na ako nakahingi ng consideration. Ewan ko lang po kung pagbalik ko sa Baguio, mabigyan pa rin ako ng chance. Kung hindi po, uulitin ko na lang ang semester. Hindi ko pa rin po kasi alam kung ano ang plano sa amin ng PBB," kuwento ni Mikah.

Mikah Cicely Chloe Dizon ang real name ni Mikah, born on June 14, 1986. Kahit taga-Baguio siya ay hindi raw siya Igorota dahil ang kanyang ina ay Ilocano at ang kanyang ama naman ay taga-Pampanga; sa Baguio lamang daw sila nanirahan.

Ang unang-unang mapapansin kay Mikah ay ang kanyang masaganang dibdib na dahilan para mapagtsismisan na mayroon daw siyang sex video with a foreigner.

"Gifted po ako sa 38-D breasts ko at nasanay na rin akong intrigahin dahil dito. Pero naniniwala po ako na dahil sa pag-join ko sa PBB, mawawala na ang intrigang ‘yon [sex video]. Hindi po ‘yon totoo. Hindi ako kasama roon, at hindi rin ako escort girl tulad ng sinasabi nila," paliwanag ni Mikah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po, napagkamalan lang nila yung pagiging prangka, pagiging masayahin, at pagiging sociable ko. Noong mag-audition nga ako sa SM Baguio, na may 3,000 daw kami, ang pakilala ko po sa kanila, ‘Ako si Miss Controversial dahil sa breasts ko, pero behind these two big mountains, probably there are beautiful sceneries,'" natatawa niyang kuwento.

Inamin din ni Mikah na bisexual siya. First year college daw siya nang magkaroon siya ng girlfriend, pero hindi raw ‘yon nag-work and after one month, nag-break na sila. Pero nakatatlo na siyang serious boyfriends and at present ay may boyfriend siya, kaklase rin niya sa Nursing.

Kung nagtagal kaya siya sa Bahay ni Kuya ay mai-in love siya sa isa sa mga lalaking housemates doon?

"Crush ko po sa kanila sina Mickey at Zeke, pero hindi po ako mai-in love. Naniniwala akong kung may mai-in love sa kanila, hanggang sa loob lang ‘yon ng bahay, na siguro po ay nangyari na rin sa mga nauna sa aming mga housemates," aniya.

Sino ang ayaw niya among the housemates?

"There are two things lang po na dapat pagpilian—ang magpakatotoo ka o makisama sa mga housemates. Pero kung makikisama ka sa kanila, babaguhin nito ang totoong ikaw. Ayoko po kina Wendy at Jasmin, aloof sila sa akin," prangka niyang sagot.

"Gusto ko po naman sina Dionne at Zeke, lalo na yung pag-aalaga nila sa aming mga secret housemates. Naawa lang ako kay Dionne dahil lagi siyang tense, sa takot niya na ma-discover kami ng mga housemates. Si Zeke po, cool siya, kalmado siya palagi. Naging close na rin kami ni Jeremy at nakakatuwa po na nang minsang mag-mall kami, may mga nakakilala na sa amin," sabi ni Mikah.

Ano naman ang naging reaction ng family niya nang ma-evict siya?

"Okay lang po sa kanila. Game daw ‘yon at sa isang laro, mayroon talagang matatalo. At least daw, nag-enjoy din ako. Hindi ko po naman dream na maging artista, gusto ko lang po talagang mag-join ng PBB. Marunong po akong kumanta, pero zero po ako pagdating sa acting," tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kanyang gifted breasts, kaya ba niyang pasukin ang pagpapa-sexy sa movies?

"Naku, marami na po sila! Ayoko nang makidagdag sa kanila," nakangiting pagwawakas ni Mikah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN