Mary Grace ends rift with Sharon's husband


"If I'll put my self in her shoes, I would also probably have this thinking. And I think what she said was tamang-tama lang. It was kind even and also very sincere and honest," says Sharon Cuneta about Mary Grace Poe-Llamanzares's statement regarding Kiko Panglinan's stand on the 2004 canvassing.


Nag-react si Megastar Sharon Cuneta sa ipinahayag ng anak ng yumaong Fernando Poe Jr. na si Mary Grace Poe-Llamanzares kamakailan na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nito kay Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Ito ay dahil sa pagtanggi ng huli na pagbigyan ang hiling ng kampo ni Da King na buksan ang election returns sa ginanap na canvassing sa congress during the 2004 elections, na magpapatunay sana na may dayaang nangyari sa botohan. Matatandaan na nagbigay-daan ito upang bansagang Mr. Noted si Kiko.

Ayon kay Mary Grace, hanggang ngayon ay hindi pa nare-resolba ang nasabing isyu kaya masama pa rin ang loob niya sa Senador. Nilinaw naman ng anak ni Da King na wala siyang hinanakit kay Sharon at kaibigan pa rin ang turing ng pamilya Poe sa Megastar.

Sa campaign rally ni Kiko na ginawa sa Mandaluyong noong Miyerkules, sinabi nga ni Sharon na hindi na niya ikinagulat ang ginawa ni Mary Grace na pagsisiwalat ng saloobin nito. Nauunawaan daw ng Megastar ang sentimiyento ng anak ni Da King dahil ipinagtatanggol lang umano nito ang dangal ng namayapang ama.

"If I'll put my self in her shoes, I would also probably have this thinking. And I think what she said was tamang-tama lang. It was kind even and also very sincere and honest," ani Sharon.

Dagdag pa ng TV host-actress na positibo siyang pagkatapos ng eleksyon ay babalik din sa dati ang magandang pagtitinginan nila ng pamilya Poe.

Aniya, "My prayer would be, when all of this is over, the exact word is this— it's just politics, and after all of this is over, let's just be friends."

Paliwanag naman ni Kiko na makatwiran lang ang ginawa niyang pagtanggi sa gustong mangyari ng kampo ni Da King nang mga panahong iyon, dahil mahigpit umanong ipinagbabawal ng batas ang pagbubukas sa mga balota.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi technicality kundi talagang labag sa batas [ang gusto nilang mangyari]. Hindi natin puwedeng ituwid ang baluktot sa pamamagitan ng isa pang baluktot," aniya.

Sa usaping pangangampanya, itinanggi ni Kiko ang mga naglalabasang balita na malaki ang ibinayad nilang mag-asawa sa mga artista na nag-e-endorso sa kanyang kandidatura, partikular na si Judy Ann Santos. All out nga ang suporta ni Juday kay Kiko, at sa katunayan ay sa restaurant pa ng aktres ginanap ang pakikipag-meeting ng Senador sa mga kabataan, kung saan isa-isa niyang dininig ang hinaing ng mga ito kamakailan.

"Wala kaming talent fee na ibinigay kay Judy Ann at maging sa ibang artista na tumutulong sa atin. Nag-volunteer lang sila na tumulong. Hindi namin sila binayaran," paglilinaw ni Kiko.

Hinamon naman ni Sharon ang mga kalaban ng kanyang asawa sa pulitika na ibang isyu na lang ang ibato kay Kiko at huwag nang tangkaing sirain ang pagkakaibigan nila ng pamilya Poe.

Kaugnay sa isyung kinasasangkutan nina Kiko at Mary Grace, kahapon ay tinuldukan na nang tuluyan na ng huli ang tungkol sa paglalabas niya ng sama ng loob kay Kiko. Nirerespeto raw niya ang posisyon ni Kiko tungkol sa usapin ng canvassing noong 2004 elections. Tama na raw ang kahilingan ni Kiko na dapat bumaba na sa puwesto ang nagkasala sa Hello Garci controversy.

"Para sa akin, ayoko nang humaba pa ito. Hindi na dapat pagdebatehan pa ang opinyon niya at ang opinyon ng mga ibang mambabatas, at ng ibang abugado. Palagi sigurong hindi magkakasundo," pahayag ni Mary Grace sa GMA News.

Sinabi pa ni Mary Grace na hanggang ngayon ay mahal pa rin ng kanilang pamilya ang maybahay ni Kiko na si Sharon. Matatandaang nagkasama sa dalawang pelikula noon sina Sharon at ang ama ni Mary Grace na si FPJ.

"Mahaba na ang pinagsamahan ng aking pamilya at siya, dahil nga pareho kami sa larangan ng pelikula kaya ayoko nang pahabain pa ito," sabi pa ni Mary Grace tungkol kay Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Sharon, malaki ang pasasalamat niya kay Mary Grace at sa pamilya Poe dahil nga sa desisyon ng anak ni FPJ na tapusin na ang isyung ito.

"Hindi nila talaga pinayagan na masira yung friendship namin. So sa akin, that's the most important thing. We should just leave the friendship as they are. Just move on and focus na lang on what can we all can do for the country. Leave also the [Poe] family in peace na," nakangiting pahayag ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN