Pauleen Luna takes a break from her TV projects


Just like most of the celebrities during the election period, Pauleen Luna will be very visible in campaign sorties while her exposure on TV will now be confined to Eat Bulaga!.



Pahinga muna si Pauleen Luna sa mga GMA-7 shows niya to give way to her other commitments—political endorsements.

Nang lumipat si Pauleen from ABS-CBN to GMA-7, isa siya sa naging busiest stars. Sunod-sunod ang naging trabaho niya: one season of Now and Forever ("Agos" episode), one season of Love to Love ("My Darling Mermaid"), one solo afternoon soap (Flight 143 to New York), a primetime soap Etheria, and of course her regular stint with Eat Bulaga!.

Pahinga muna siya sa TV projects at sa ngayon, sa Eat Bulaga! lang muna siya napapanood at sa paisa-isang guest appearances sa iba't ibang Kapuso shows like ang Magpakailanman episode of March 22 kung saan si Mura ang naka-partner niya. Nag-commit kasi si Pauleen sa ilang pulitiko na tatakbo this May election to campaign for them.

So far, tatlo na ang ikinakampanya ni Pauleen na siyang dahilan kung bakit mas madalas siyang out of town. Pauleen is campaigning for Hagedorn sa Palawan, Chavit Singson for senator, and Mayor Gatchalian sa Valenzuela City.

Umiikot na si Pauleen for the senatorial candidate and next week—sa deadline ng local election—magsisimula na ring mag-campaign si Pauleen sa Palawan at sa Valenzuela City.

Asked kung magkaka-campaign din ba siya kay Manny Villar, another senatorial candidate na pinakamalapit sa kaniyang manager na si Lolit Solis, hindi raw. Hindi naman kasi siya sinabihan ng kaniyang manager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN