Cristine Reyes to undergo medical operation


"Hindi raw po ako puwedeng hindi magpa-opera. Puwedengmagka-kumplikasyon pati heart ko daw chuva-chuva, kaya minsan hirap dinpo akong huminga. Napapabayaan ko po kasi, e," says Cristine Reyes about her throat problem.


Nakatakdang operahan sa kaniyang lalamunan ang young actress na si Cristine Reyes.

Last Monday, March 19, naospital ang nakababatang kapatid ni Ara Mina dahil sa acute pharyngitis, a viral infection sa throat. Ang sabi, it is due to stress.

Pinayuhan si Cristine na kailangan niyang magpa-opera as soon as possible. Subalit hindi pa puwede sa ngayon dahil napakarami raw niyang commitments, among which ay ang kaniyang lead villain role sa GMA-7 drama-adventure series na Super Twins.

"Lagi po akong may fever. Akala ko, normal lang na nagkakalagnat ako. Yun pala, hindi. Minsan hirap din po akong huminga, may complication din pala ito sa heart," kuwento ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa ngayon, pinapayuhan na lang muna ang young actress ng kaniyang doktor na umiwas sa stress at kung makakaya, a lot of bed rest. Gayunpaman, kailangan pa ring magpa-opera ni Cristine para hindi ito lumala.

"Hindi raw po ako puwedeng hindi magpa-opera. Puwedeng magka-kumplikasyon pati heart ko daw chuva-chuva, kaya minsan hirap din po akong huminga. Napapabayaan ko po kasi, e," sabi pa ng young actress.

Naghahanap lang si Cristine na lumuwag ang kaniyang mga commitments at magpapa-schedule na rin siya for her operation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN