Geoff Eigenmann has been courting Nikki Gil for one year now


ASAP '07 co-hosts Geoff Eigenmann and Nikki Gil are still in the courting stage for more than a year now. Geoff, who will turn 23, on March 23, hopes to get Nikki's approval as a birthday gift.



Isang taon nang nanliligaw ang young actor-VJ na si Geoff Eigenmann sa young actress-singer-TV host Nikki Gil. Magkasama ang dalawa sa ASAP '07.

Turning 22 this March 23 si Geoff, ang pangalawang anak ng multi-awarded actors na sina Michael de Mesa at Gina Alajar. Maganda sigurong regalo para sa young actor, na exclusive talent ng ABS-CBN ngun't co-managed by a GMA-7 personnel, kung ang matamis na "oo" ni Nikki ang matatanggap niya.

Isang taon na nga kasi ang ligawan ng dalawang co-stars ng magbubukas na bagong soap ng ABS-CBN na Rounin. More than a year in the making na kasi ang Rounin na pagbibidahan daw ng 85 stars, headed by Diether Ocampo. Dito nagkakilala nang lubusan sina Geoff and Nikki.

Although their families are friends and of the same religion, magkaiba nga lang ng sinasambahang fellowship. Naging magkaklase rin noong elementary sina Geoff and Nikki.

Okay lang daw kay Geoff na maghintay ng ganoong katagal. Sabi ni Geoff sa solo birthday press con na ibinigay sa kaniya ng Star Magic last Wednesday night sa Cheapstake sa ABS-CBN compound, hindi rin naman daw siya nagmamadali dahil he wants his next girlfriend to be his last.

Geoff had two serious relationships in the past, both non-showbiz at bago siya pumasok sa showbiz. Inamin din ni Geoff that he had his share of flings. Kaya nga the next time na makikipagrelasyon siya, for keeps na raw sana.

Nikki, on the other hand, was Gabriel Valenciano's ex. Gab is Gary Valenciano's son.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN