Donita Rose denies she is pregnant again


"But if God wants me to get pregnant and bring another baby in ourfamily, why not, di ba? I'm ready to be a mother again anyway," says Donita Rose.



Nasa Pilipinas na naman ang Singapore-based actress/TV host/VJ na si Donita Rose dahil marami na naman daw siyang trabaho rito. May TV show at mga commercials daw siyang gagawin, pero hindi pa raw niya puwedeng i-reveal ang mga ito.



Sa nakaraang 4th Golden Screen Awards last March 17 ay naging presentor si Donita at kapansin-pansin na medyo tumaba siya. Inakala tuloy ng mga nakakita sa kanya na buntis na siya sa second baby nila ng kanyang mister na si Eric Villarama.



Mabilis na itinanggi ni Donita na buntis siya.



"Ay, hindi pa ako buntis!" natatawang pagtanggi ni Donita. "I just gained a few pounds kasi nakapagbakasyon ako. Wala pa kaming plans for a second baby kasi two years old pa lang si PJ.



"We plan to have another baby kapag medyo older na si PJ. Sa ngayon, we're enjoying watching him grow. Gusto kasi namin ni Eric na may big space between the kids. Mahirap kasi kung masyadong malapit ang mga edad nila," paliwanag pa niya.



Paano kung bigla na lang siyang mabuntis?

"It's really okay if I do get pregnant even if it wasn't planned. It's a gift from God and we will both be very happy kung mangyari man 'yon," sabi ni Donita.



"Ang sa amin lang, pinaplano namin kasi it's for their future na rin. Mas maganda kung may maayos na space between them. But if God wants me to get pregnant and bring another baby in our family, why not, di ba? I'm ready to be a mother again anyway," nakangiti pa niyang pahayag bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN