Angel Aquino reveals her relationship with a younger man


"There's really no difference kung magkaroon ka ng boyfriend na masmatanda sa iyo or mas bata. Pare-pareho lang naman, sa edad langnagkakatalo. But I guess, numbers lang naman ang age, e. What'simportant is how the two of you will carry the relationship," explains Angel Aquino about her relationship with TV host Lui Villaruz.



Two months na palang mag-on ang model-turned-actress na si Angel Aquino at ang co-host ng Magandang Umaga Pilipinas (MUP) na si Lui Villaruz.



Six years ang tanda ni Angel sa kanyang boyfriend. Thirty-four years old ang actress-model samantalang 28 years old naman si Lui. Pero para kay Angel, age doesn't matter. Ang importante raw ay maganda ang takbo ng relasyon nila at walang nanggugulo.



Noong March 17 ang ika-second month nila bilang magkasintahan, pero hindi raw sila nakapag-date dahil um-attend si Angel ng Golden Screen Awards kung saan na-nominate siya for best actress para sa pagganap niya sa pelikulang Donsol. (Sina Maricel Soriano for Inang Yaya at Gina PareƱo for Kubrador ang nanalo.)



"There's really no difference kung magkaroon ka ng boyfriend na mas matanda sa iyo or mas bata. Pare-pareho lang naman, sa edad lang nagkakatalo. But I guess, numbers lang naman ang age, e. What's important is how the two of you will carry the relationship," paliwanag ni Angel.

Sabi pa ni Angel na sa edad ngayon ni Lui, mature na raw ang pag-iisip nito. Pareho raw kasi silang nanggaling sa malaking pamilya kaya siguro nagkaroon sila ng tamang vibes noong maging seryoso sila sa isa't isa.



Nagsimula raw ang panliligaw ni Lui kay Angel noong ma-interview ng binata ang actress-model para sa segment niya sa MUP, ang daily morning show ng ABS-CBN. Pagkatapos ng interview ay naiwan daw ni Lui ang bag niya. Nagtanung-tanong daw si Angel kung saan maku-contact si Lui para maisoli nito ang bag ng TV host.



"Since then, naging constant na ang communication namin. We go out on dates hanggang sa maging kami na," kuwento ni Angel.

Dagdag pa niya, "Pero siyempre, tinimbang ko rin ang sitwasyon naming dalawa. I'm in my 30s and I have two kids na. Si Lui, he's in his late 20s at binata pa. Yun ang mga kinu-consider kong mga bagay-bagay. But because mukhang wala naman kaming problema with that, we went on with the relationship. Wala namang kumontra, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Okey lang ba sa dalawang anak ni Angel na medyo bata pa ang karelasyon niya ngayon?



"My two daughters [Iana and Bea] naman are still very young to understand fully. Pero okey naman sa kanila. I know that they just want me to be happy. Marami na kaming pinagdaanan ng mga anak ko and siguro naman, alam nila that their mom is doing what's best for them. Pagdating naman sa relationship, I think they agree with me na rin," nakangiting pagtatapos ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN