Geoff Eigenmann denies he and Nikki Gil are already an item


"Hindi ko alam yun, ah! Wala naman kaming aaminin. Honest, wala naman kaming aaminin. Wala akong itinatago," reacts Geoff Eigenmann about a rumor that he and Nikki Gil are already an item.



Inimbita ni Geoff Eigenmann ang nililigawan niya ngayon na si Nikki Gil sa special dinner niya with his family in celebration of his 22nd birthday tonight, March 23. This will be the first time na makakasama si Nikki sa isang espesyal na gathering ng pamilya Eigenmann.



"It never happened pa talaga na nakasama ko siya sa with my brothers and my Mom or sa isang big family whatever, wala pa. Nagkikita lang sila ng mga kapatid ko, like kunwari may movie, nagkakataon nagkikita doon, yun lang," panimulang kuwento ni Geoff tungkol kay Nikki sa press con ng Rounin kagabi.



Sa birthday celebration ni Geoff sa ASAP '07 last Sunday, March 18, marami ang nakapansin sa kakaibang "belongingness" ni Nikki sa pamilya ng young actor. Many assumed na they're more than friends na talaga.



"Belong na ba?" balik-tanong niya. "Ah, I guess, she's comfortable. She has met mostly everyone na rin naman [sa family ko]. But we're just friends."



"FRIENDSHIP" WITH NIKKI.
Saan na ba ang level of friendship nila ni Nikki?



"Well, siguro I can say that we have the best friendship we can ever have. We've known each other for a very long time and we still plan to be friends in the long run. Kaya okay lang kahit friends kami hanggang ngayon," sabi ni Geoff.

Kumusta naman ang relasyon ni Nikki sa ina ni Geoff na si Gina Alajar?

"Siyempre, okey naman siya kay Mommy. What's not to like naman? She's actually someone you bring home to your parents talaga," nakangiting sagot ng binata.

Bagama't hindi pa umaamin si Geoff, isang malapit na kaibigan nila ni Nikki ang nagkumpirma na mag-on na raw talaga sila. Ano ang masasabi ni Geoff dito?



"Ow? Sino nagsabi noon?" nagtatakang sagot niya.



"Hindi ko alam yun, ah! Wala naman kaming aaminin. Honest, wala naman kaming aaminin. Wala akong itinatago," diin pa ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ba niya kamahal si Nikki?

"Mahal kaagad?" natatawa niyang tanong.

"Yeah, I like her a lot. I wouldn't be around kung wala akong nararamdaman para sa kanya," pahabol niya.



GAB VALENCIANO.
Almost one year na raw nanliligaw si Geoff kay Nikki, samantalang ang ex-boyfriend ng dalaga na si Gab Valenciano—anak ni Gary Valenciano—ay may bago nang pag-ibig.



"Yeah, it's been a while. Honestly, I don't mind. So, it hasn't been a hassle for me. I'm not bothered by it anyway. So, okay lang sa akin. I'm just here for her," kampanteng pahayag ni Geoff.

Isa raw sa mga dahilan ng ‘di pagkakasundo noon nina Nikki at Gab ay selos. Si Geoff ay seloso rin bang tao?



"Ako, seloso talaga ako," pag-amin niya. "But ano, ngayon wala. Kasi we're just friends. I have no right to be jealous or anything. Same on her," sabi ni Geoff, na ang tinutukoy ay ang relasyon nila ni Nikki.



Nagkita na ba sila ni Gab?

"Yeah, but we're never really friends naman, e. So ‘pag nagkikita kami, ‘Oh, what's up?' Small talk lang," aniya.

Ipinakilala na ba siya ni Nikki kay Gab?

"Yeah, before. Normal introduction lang and, of course, I know him naman. Anak siya ni Tito Gary," sabi pa ni Geoff.



ROUNIN AND HEART. Kung may iwi-wish daw siya na material gift na matatanggap on his birthday, gusto niya ng PS3 (PlayStation 3). But aside from that, wish niya na sana tuluy-tuloy pa rin yung nangyayari sa career niya at sana happy daw ang lahat.



Very thankful din si Geoff sa ABS-CBN Star Magic na siyang nagha-handle ng kanyang career. Original Kapamilya star talaga si Geoff dahil when he was just eight years old, isa siya sa mga child stars noon sa Ang TV.

For the first time, magtatambal sina Geoof at ni Nikki—na isa ring Star Magic talent—sa kauna-unahang tele-epiko sa telebisyon na magsisimula na sa Abril—ang Rounin na pinamamahalaan ni Erik Matti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Rounin, magsisimula na rin ang balik-tambalan nila ni Heart Evangelista sa TV, ang Hiram na Mukha. Matatandaan na huli silang nagkasama ni Heart sa primetime darama series na Hiram, also starring Kris Aquino, Dina Bonnevie, and Anne Curtis. Incidentally, parehong may 'hiram' sa title ng TV projects nila ni Heart.



"Oo nga, e, parehong may hiram [sa title]," pagsang-ayon pa niya. "Pati yung prosthetics niya, nagpalit lang. Ako dati, ngayon siya [Heart] naman.

"Okay naman kami [ni Heart]. Still friends. We've been catching up. Pareho kaming excited to be working again," nakangiting sabi pa ni Geoff.



MICHAEL & GINA. Three nights ago, kasama daw ni Geoff ang kanyang ama na si Michael de Mesa. Ayon kay Geoff, okay pa rin daw ang relasyon ng Daddy niya with his partner. Sinabi rin ni Geoff na happy siya sa desisyon ng Mommy niya na magpaligaw na ulit sa ibang guys.



"I'll be happy din siguro magdesisyon siya kung may sasagutin na siya," sabi niya.



But what if somebody as young as he is ang maging boyfriend ng Mommy niya?



Napatawa muna si Geoff bago sinabing, "Well, dadaan muna siya sa amin before anything. May mga nanliligaw nga sa Mom ko, but she's not really entertaining any of them. She's dating, she goes out. Alam naming kung sino, pero yung seryosohan na medyo intindihan, wala pa."



Ilan na yung na-meet nila?



"Few, like two, three."

Marami ang nagtataka na kung gaano kahilig sa chicks ang Daddy niya,pero tila kabaligtaran naman si Geoff. "For me, personal decision. Inever want to play around. I will not deny that I have done my share ofmistakes, pero ayaw kong ulitin ‘yun. I'm stick to one woman na," sabini Geoff.

Ano yung mistakes niya before?

"Siyempre, I was in relationship tapos may mga ano diyan. Yeah, na-experience ko rin yun na may ibang girls," pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Geoff na may kinalaman ang kanyang ina sa desisyon niya na
maging one-woman-man.

"Ofcourse, as much as possible, I don't want the woman I love to gothrough what my Mom went through. I only had two serious girlfriends inmy whole life, parehong non-showbiz," aniya.

Ayaw niya ba sa taga-showbiz before?

"Well,wala lang kasi ever since I've entered showbiz, I wasn't looking forlove. I was concentrated on work and siguro ngayon lang dumadating andtiyempo we're [him and Nikki] both in showbiz," paliwanag niya..

INVESTMENTS. Naikuwento rin ni Geoff na may mga investments na rin siya this early.



"Lot. It's a big lot in Tagaytay. I'm still paying for that. Siyempre, dollar account. Saving up. My Mom is saving up for all of us. It's over 800 sq.m. sa Royale Tagyatay. Siguro late this year, I'll plan to build a house. I'm still paying for it. By this year, tapos na. Binayaran ko yun since two years ago. Tahimik kasi sa South, hindi congested doon, e. Malinis pa doon. It's a getaway house talaga," kuwento pa niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN