Andrea del Rosario inspired by her acting nominations


"I think nabigyan lang ako ng chance ni God na makaramdan nito paramag-push pa talaga ako for the better. And marami pa akong gustongmalaman at matutunan sa pagiging aktres ko," says sexy actress Andrea del Rosario about her nomination for her performance in Rome & Juliet.



Bago pa man naihayag ang winner sa kategoryang Best Actress-Drama sanagdaang 4th Golden Screen Awards, na eventually ay napanalunan ninaMaricel Soriano (Inang Yaya) at Gina Pareño (Kubrador),nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nominee na siAndrea del Rosario sa dressing room ng Carlos P. Romulo Auditorium,RCBC Plaza, Makati City. Hindi man nanalo ay masaya na ang datingmember ng Viva Hot Babes sa pagkaka-nominate niya para sa pelikulang Rome & Juliet.

"I'm not expecting anything," sabi ni Andrea. "Sa totoo lang,ma-nominate lang ay parang panalo na rin ako, yun ang nararamdaman kongayon. Mapabilang lang ako sa mga magagaling at malalaking artistatulad nina Gina Pareño at iba pa, idikit mo lang ako sa mga ganoon,panalo na ako."

First time ma-nominate ni Andrea para sa anumang award-giving bodyat itinuturing niyang malaking bagay ito para sa kanya. Sa kasalukuyankasi ay mas seryoso siya sa kanyang career kaya malaking inspirasyonang naturang nominasyon para sa kanya.

"Yung project na Rome & Juliet, biglaan lang din naman‘yon at hindi ko ine-expect na makakakuha ito ng ganoong atensiyon.Medyo first time ko rin sa ganitong role na may pagka-lesbian. Yung mgaganoon na nakahalik ng babae, first time ko ‘yon, tapos ay Mylene Dizonpa ang kasama ko. Kaya happy talaga ako, parang icing on the cake ito,e.

Dagdag pa ni Andrea, "Mas serious ako sa craft ko ngayon. Kasi, diba, dun naman talaga ang transition ng mga artista? You know, you showa little bit of skin and then you get known for it. But then again, youhave to prove that you have more than that. You're just more than abody, you're just more than a face. So I'm in that stage right now andI hope that everybody sees that."

Dahil sa nominasyong ito, masasabi ba niyang magka-level na sila ni Maricel Soriano?

"Ay hindi!" mabilis niyang tugon. "Marami pa akong bigas nakakainin. Sobrang dami actually. I think nabigyan lang ako ng chance niGod na makaramdan nito para mag-push pa talaga ako for the better. Andmarami pa akong gustong malaman at matutunan sa pagiging aktres ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kanyang nomination sa Golden Screen Awards, nominated dinfor Best Actress si Andrea sa Star Awards for Movies para pa rin sa Rome & Juliet.

Welcome development din para sa morenang aktres ang paglaganap ng indie films sa kasalukuyan.

Ani Andrea, "I think it's healthy for the industry, kasi nabibigyan ngpagkakataon yung mga bagong directors, producers to come up with a niceproject. And it's not so expensive, at least mababalik din yung pera sakanila. Siyempre, nakapagbibigay ito ng maraming trabaho sa mgaartista. Healthy development talaga ito na umaarangkada ang indiefilms."

Nagpahayag din si Andrea ng pananaw sa napipintong pagbabalik ng sexy movies.

"Sa tingin ko, ang bumabalik ay yung sexy movies na classy angdating. Hindi yung tulad ng dati na sexy movies na basta maghubad lang.I think mas nagiging wiser ang moviegoers now, e. Now kasi, parang it'sjust a natural thing na makitaan ng ganito, ng kaunting skin. Kayaparang mas nagiging class yung mga projects na pang-adult ang tema.

"Pero hindi na yung tulad ng dati na kahit hindi kailangan sa movie,isinasalpak ang mga hubaran para makahatak lang ng tao. Hindi na ganoonang kalakaran ngayon. Mas mabuti ang ganito para sa mga dekalidad napelikula," opinyon ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN