Kuh Ledesma defends her ex-husband


Kuh Ledesma's (pictured) ex-husband, Louie Gonzalez, is a suspect inthe murder of his half-brother, Paco Delgado. Kuh believes that Louieis innocent.


Binasag na ng singer na si Kuh Ledesma ang kanyang katahimikan at sawakas ay nagsalita na rin para ipagtanggol ang dating asawang si LouieGonzalez na sangkot sa pagpatay sa negosyanteng stepbrother nitong siFederico "Paco" Delgado. Natagpuang naliligo sa sariling dugo niya siPaco dahil sa tinamong mga saksak sa bahay nito noong March 10.

Ang 47-year-old na ex-husband ni Kuh ay positibong itinuro ngnakasaksi sa naganap na krimen. Kitang-kita raw diumano ng witness nangtanggalin ng dating asawa ni Kuh ang bonnet sa mukha nito bago nilimasang mga pera sa vault na nasa loob ng bahay ng pinaslang.

Ayon naman kay Kuh ay nakahanda siyang itaya ang sariling buhay paralang mapatunayan na inosente ang ex-husband at ama ng anak na siIsabella. Natitiyak niya na hindi raw nito magagawa ang karumal-dumalna krimeng ibinibintang dito.

"I will stake my life. My husband is innocent," ani Kuh.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Pop Diva na nang maganap ang krimen aykasalukuyang nasa Makati Medical Center ang dating asawa, kung saanilang araw na itong sumasailalim sa gamutan. Matinding depresyon dahilsa pagkamatay ng inang si Victoria Quirino Delgado, anak ni datingPangulong Elpidio Quirino, noong November 2006 ang dahilan ngpagkaka-ospital ng dating mister ni Kuh. Positibo nga si Kuh namalalampasan ng dating asawa ang sitwasyong kinasusuungan nito atmalilinis din ang pangalan nito.

Samantala, on a lighter note, sinabi ni Kuh sa hiwalay na panayam nahindi siya nai-insecure sa mga baguhang singers, partikular saChampions na kasama niya sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN 2 naASAP '07. Sa katunayan, aniya, lalo pa siyang nai-inspire na i-reinvent ang sarili.

"We have so many amazing talents nowadays it's so exciting," sabi niya."I consider much of it a good thing actually. More than anything itinspires a greater form excellence in that, rather than mere commercialsuccess, I now aim for innovations."

Sinabi pa ni Kuh na sa mga baguhang singers ay hinahangaan niya sinaSarah Geronimo, Mark Bautista, Christian Bautista, at Erik Santosngunit para sa kanya ay pinaka-mahusay si Rachelle Anne Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She already has style young as she is and I like the tone of her voice," esplika pa ni Kuh.

Siyempre pa, puring-puri rin ng Pop Diva ang 22-year-old daughter na si Isabella.

Aniya, "Isabella is quite different. She doesn't sound like anybodyelse. she doesn't even sound like me. She has a sound all her own andis making great strides carving her own path."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN