Erik Santos stays away from Rufa Mae's rift with Rudy Hatfield


Singer Erik Santos doesn't seem to be not bothered by his girlfriend's rumored rift with her ex-boyfriend, basketball star Rudy Hatfield. Erik even advised Rufa Mae not to answer back.


Sa nakaraang MYX Music Awards, tatlong awards ang napanalunan ng singer na si Erik Santos—Favorite Male Artist, Favorite Remake for "Your Love," at Favorite Collaboration for "Bakit Ba Inibig Ka?" na ini-record niya with Asia's Songbird Regine Velasquez.

"It feels really good to receive an award," sabi ni Erik sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, March 23, sa Clawdaddy restaurant sa Shangri-la Mall.

"Pinatutunayan nito na nare-recognize ng mga tao ang hard work ko at naniniwala sila sa talent ko as a singer. I am truly grateful to all my fans who continuously support and love me. Last year, nanalo rin akong Favorite Male Artist sa pagti-text vote ng mga fans. Isang inspirasyon at blessings na sa akin yung ma-nominate ako," sabi pa ni Erik.

Isa sa mga tinalo ni Erik para sa Favorite Male Artist ay ang kasama niya sa ASAP ‘07 at ka-batch niya sa Star In A Million na si Christian Bautista.

"Ako naman, kahit po sino ang manalo sa amin, deserving naman," aniya. "Saka kami ni Christian, friends po kami. Ang tagal na naming magkasama sa ASAP, sa mga shows namin abroad, kaya wala po iyong ganoon. Hindi rin po ako nagpapa-pressure sa accomplishments ng iba."

Hindi rin daw nai-insecure si Erik na naunahan siya ni Christian na makagawa ng pelikula. Matatandaang naging introducing si Christian sa 2006 Metro Manila Film Festival entry na Mano Po 5.

"Humanga pa nga ako kay Christian dahil nakagawa siya agad ng pelikula," sabi ni Erik. "Ako po kasi, talagang gusto ko munang mag-concentrate sa singing. May movie offers na rin po, pero hindi ko po tinatanggap, ni hindi pa po ako nag-acting workshop."

Dagdag pa niya, "Tatanggapin ko na sana yung isang episode ng Maalaala Mo Kaya with Mariel Rodriguez, pero hindi rin po natuloy. Hindi kasi magtagpo ang schedules namin. Natuloy po si Mariel, pinalitan na lang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alin ang mas gusto niya, award o mataas na sales ng album niya?

"Pwede po bang pareho? Kapag po kasi malakas ang benta ng album, malaki ang nakukuha kong royalty. Kapag may natanggap naman akong award, lumalaki ang talent fee," nakangiting pahayag ni Erik.

Samantala, nag-iingay diumano ngayon ang Ginebra player na si Rudy Hatfield dahil sa away nila ng ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto, na girlfriend naman ngayon ni Erik. Kung anu-anong hate e-mail messages diumano ang ipinadadala ni Rudy kay Rufa Mae.

Ayon kay Erik, ayaw raw niyang mag-comment dahil hindi naman daw siya apektado.

"Basta ang sabi ko lang kay Peachy (palayaw ni Rufa Mae), huwag na lang siyang sumagot para hindi na humaba. Wala po kaming problema ni Peachy, going strong ang relasyon namin," sabi ni Erik.

Nag-aaway rin ba sila ni Rufa Mae?

"Bihirang-bihira po kaming mag-away," sagot niya. "Minsan, umiiyak siyang nagkukuwento sa akin ng family problem niya, pero natawa ako. Nagalit siya sa akin. Bakit daw umiiyak na siya, tumatawa pa ako. Pero nag-sorry ako sa kanya."

Dagdag pa niya, "Si Peachy kasi, lagi niya akong pinapasaya. Kahit nagkukuwento lang siya, napatatawa na niya ako. Ang dali naman naming mag-sorry sa isa't isa. Tinatanggap kasi namin agad kung may nagkamali sa amin."

Wala pa ba silang planong magpakasal ni Rufa Mae?

"Wala pa po, wala pang plano. Naka-focus pa muna talaga kami ni Peachy sa aming career," sabi ni Erik.

Ngayong tapos na tapos na ang bahay ni Erik, may ipinatatayo raw naman silang rest house ng ama niya sa San Ildefonso, Bulacan. Mana raw ‘yon ng daddy niya sa kanyang lola, pero hati sila ni Erik sa gastos.

Kailan naman magpapatayo si Erik ng bahay para sa kanila ni Rufa Mae?

"Pag-iipunan ko muna ‘yon," nakangiting patapos ni Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN