Ailyn Luna clarifies health condition of boyfriend Ryan Yllana


“He’s notbedridden naman. He just needs bed rest kasi nagkasabay ang dalawang tapingsniya before for Super Twins at Takeshi’s Castle [both on GMA-7]. Sinumpong tuloy ang sakitniya," says StarStruck 2 Avenger Ailyn Luna about the health condition of her boyfriend, comedian Ryan Yllana.


Gustong linawin ngStarStruck 2 Avenger na si Ailyn Luna ang balitang lumabas na bedridden angkanyang boyfriend na si Ryan Yllana, younger brother nina Anjo at JomariYllana. Ayon kay Ailyn, hindi naman daw bedridden si Ryan kundi kailangan langng bed rest dahil sumakit ang likod nito dahil sa sobrang pagod sa taping.

Matagal nangsumasakit ang likod ni Ryan due to a slipped disc. Nangyari raw ito dahil saisang aksidente sa basketball game five years ago.

“Nagpapatingin namansiya sa isang therapist. He’s also taking acupuncture na nakakatulong din namansa kanya. Pero minsan kapag sobrang pagod siya sa trabaho, inaatake ng sakitang lower back niya. Kaya there are times na nakahiga lang siya. Kahit nga rawnakahiga siya sa bed, masakit pa rin daw kaya malaki ang sakripisyo niya minsankapag he needs to work na,” nag-aalalang kuwento ni Ailyn.

Dapat aymagse-celebrate sina Ailyn at Ryan ng kanilang first year anniversary bilangmagkasintahan last March 23. Pero dahil sa inatake nga raw ng sakit si Ryan ayhindi sila nakalabas. Nagkataon din na nasa AFP Theater si Ailyn para sa lasttaping day ng Bakekang, kung saan kabilang ang young actress.

“We had plans forour celebration kaso biglang nagkasabay lahat. I have taping, pero kung okaysana si Ryan, susunduin niya ako after. Pero bigla ngang sumakit ulit likodniya,” salaysay ng young actress.

“The day beforenaman ng anniversary namin ay dinalaw ko siya. Inasikaso ko siya nang husto.Naaawa nga ako kasi nakahiga na nga siya, pero he can still feel the pain. Ipray na gumaling na nang husto si Ryan.

Aniya pa, “He’s notbedridden naman. He just needs bed rest kasi nagkasabay ang dalawang tapingsniya before for Super Twins at Takeshi’s Castle [both on GMA-7]. Sinumpong tuloy ang sakitniya.

“I feel sad nga kasimatagal din kaming hindi nagkita at nag-date. Almost a month-and-a-half kamihindi nakapag-usap nang maayos because naging busy ako with Bb. Pilipinas. Thenafter the pageant, diretso ako sa taping ng Bakekang. Siya rin naman nagkasunodang dalawang tapings kaya we thought na malilibre kami on our anniversary. E,hindi rin pala. Kaya hindi ko napigilan ang maiyak kasi puro pagsubok angnararanasan namin ni Ryan lately.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Speaking of Bb.Pilipinas, habang ang kanyang co-GMA-7 talent na si Margaret Wilson aykinoronahang Bb. Pilipinas-World, si Ailyn ay hindi pinalad na makapasok kahitsa semifinalists man lang or makakuha ng special award. Hindi ba siyana-disappoint? Gusto pa rin ba niyang sumali ulit sa naturang beauty pageant?

Ayon kay Ailyn, “Notreally naman disappointed kasi nakasali naman ako sa pageant kahit papa’no. Iguess it wasn’t my year talaga to join. Wala ang lady luck sa akin, na kayMaggie [Margaret].

"Happy ako forMaggie kasi Kapuso rin siya and she deserves the crown. Pati mga special awardsna nakuha niya, deserve niya lahat. Siguro may oras at panahon for me to joinagain. Sasali pa rin ako and the next time, mas prepared na ako,” positiboniyang pahayag bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN