Gerald Anderson denies money issue with his manager


Young actor Gerald Anderson clarifies rumors that he is now planning to leave his talent manager, Jun Reyes, because of some money problems.


Gerald Anderson turned 18 last March 7. Ang love team nila ngayon ni Kim Chiu ang isa sa pambato ng ABS-CBN Star Magic with a primetime soap of their own, ang Sana Maulit Muli, bukod pa sa kanilang sitcom na Aalog-Alog. May launching movie na rin sila last year, ang First Day High, at susundan na ito sa April in a yet untitled movie kung saan may iba pa raw silang makakasamang loveteam.

Sunud-sunod din ang endorsements ni Gerald, either solo or with Kim. Sila ang endorsers ng Bench, Jollibee, and Glam Lab fragrances. On his own, endorser si Gerald ng Calayan Surgicenter, Converse, and Sir George by Mary Pauleen Salon.

Kamakailan, lumabas ang balitang may problema sina Gerald at ang manager nitong si Jun Reyes. Pera na naman daw ang dahilan, just like the first problem ng said manager with his first talent na si Joross Gamboa.

Diumano, nagrereklamo na raw si Gerald dahil sa laki ng kinakaltas ni Jun sa kaniya by way of commission. Bukod daw sa 30 percent commission na pinaghahatian nina Jun at ng Star Magic—dahil co-management sila—ay kumakaltas pa raw si Jun ng extra 20 percent.

Balita ring gusto nang kumalas ni Gerald kay Jun ngunit hindi pa nga maari dahil limang taon ang pinirmahang kontrata ng young actor sa kanyang manager.

Kay Gerald na mismo nanggaling, wala raw silang problema ni Jun. Wala raw siyang alam sa mga balitang may extra commission si Jun, pero siguro naman daw ay malalaman ito ni Gerald.

Nasa press con din si Jun that time at pumayag na magpa-interview separately.

Wala raw silang ganitong problema ngayon ni Gerald. Totoo na five-year contract ang pinirmahan nila ni Gerald ngunit hindi totoong kumakaltas pa siya ng extra 20 percent over and above the standard 30 percent commission.

Hindi nga raw humahati ang Star Magic sa standard commission ni Gerald. Kay Jun na ito lahat napupunta, so hindi niya na kailangan pang kumuha ng extra. Kumukuha lang daw ang Star Magic ng 10 percent sa commission kapag over P100,000 ang contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik kay Gerald, wala raw siyang balak iwanan ang kaniyang manager-discoverer. Sa katunayan, nagsisimula na ring magsayaw as one of his backup dancers ang kaniyang bunsong kapatid na si Kenneth Anderson. Kung mag-aartista ito, kay Jun niya pa rin ito ipapa-handle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN