Lorna on Rudy's cancer: "We hope to win this battle with God's help."


"He is strong physically, spiritually, emotionally, and mentally. He isvery positive about life, which is so good. Kasi kahit may sakit siya,hindi mo makikitang may sakit siya. Yung hitsura niya kasi, hindi namansiya mukhang may sakit," says Lorna Tolentino about the health condition of husband Rudy Fernandez.


Positibo ang pananaw sa buhay ni Rudy Fernandez kahit na nagkaroon siya ng mabigat na karamdaman. Ito ang sinabi ng asawa niyang si Lorna Tolentino sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ilang linggo makaraang aminin sa Startalk na mayroong cancer si Daboy at nagkaroon ito ng recurrence.

Sa panayam ng PEP kay LT sa taping ng Magpakailanman para sa episode na "The Franz Tolentino Story," sinabi niyang patuloy pa rin na ginagamot ang periampullary cancer (adenocarcinoma) ng 55-year-old action superstar.



Incidentally, ang premyadong aktres ang hiniling ng isang kakaibang cancer survivor na gumanap sa story nito na ipi-feature sa Magpakailanman ni Mel Tiangco ngayong Huwebes, March 29, 2007.

Last year na-diagnose ang karamdaman ni Daboy at inamin ni Lorna na bunsod nito'y dumaan silang mag-asawa sa depression.

DABOY'S CONDITION. Ngayon ay patuloy pa rin ang gamutan at tatlong beses nang sumailalim sa chemotherapy ang betaranong aktor, subalit bumubuti na ang kanyang kalagayan.

"Mabuti naman si Daboy," paniniguro ni LT. "He is strong physically, spiritually, emotionally, and mentally. He is very positive about life, which is so good. Kasi kahit may sakit siya, hindi mo makikitang may sakit siya. Yung hitsura niya kasi, hindi naman siya mukhang may sakit.

"Dahil sa pangyayari, mas naging closer ang aming family. Any trials in life, lalo kayong nagiging bonded and closer together. Tingin namin dito, isa lang ito sa mga pagsubok sa buhay. It's a trial, parang maraming ipinapakita sa amin ang Diyos."

Dagdag pa niya, "Kumbaga, ipinapakita sa amin kung paano, how we will be able to handle the trials. At the same time, ipinapakita Niya sa amin kung gaano kabuti ang buhay, kung gaano kabuti ang mga taong nagmamahal sa amin. Ipinapakita Niya lalo kung paano namin i-appreciate lahat yung mga favors na nanggagaling sa Diyos.

"Sa ngayon, tuloy ang gamutan," patuloy na kuwento ni LT. "Ang daming gamutan, e, iba-iba. He's having his chemotherapy, and then after that, he will have a Radiofrequency Ablatio (RFA)n, gagawin ‘yon sa Tokyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(According to a medical dictionary, RFA is a tissue destruction procedure using an unmodulated high frequency alternating current delivered by bipolar or unipolar catheters; tissue destruction is caused by heat and cell injury.)

"Of course, natural lang naman sa tao na mayroon yung period na made-depress ka. But then after nun, siguro kailangan ay i-accept mo at labanan mo na in a very positive way kung ano man ang nangyayari sa buhay mo. Mahirap sabihin, pero siguro ganoon ang dapat mong maging attitude at dapat gawin.

"Kasi yung system ng body natin, nagpo-produce siya ng endorphin. Kapag masaya ka, maligaya ka—hindi ka nagwo-worry, hindi ka nade-depress—which is good, kasi nga, nakakatulong ‘yon sa sistema ng katawan natin," paliwanag pa ni LT.

Dagdag pa niya, "Tapos na siya sa period ng depression. Siguro tatlong araw o dalawang araw nangyari ‘yon. Pero after nun, wala na. Ako rin naman, pinagdaanan ko rin yun, pero after that ay wala na. Kasi, siguro yun nga, naa-appreciate namin nang husto at nakikita yung concern ng lahat ng mga tao, yung pagmamahal nila, yung mga dasal nila.

"May mga taong hindi naman namin kakilala, pero sinasabing ipinagdarasal nila si Rudy, ipinagtirik nila ng kandila. Hindi ba malaking bagay ‘yon na mararamdaman mo yung pagmamahal at concern ng mga tao para kay Rudy kahit hindi namin sila kilala?"

DO NOT QUESTION GOD. Sinabi pa ni Lorna na kahit minsan ay hindi siya nagtanong sa Diyos kung bakit nagkaroon ng ganitong karamdaman si Daboy na itinuturing na very rare na uri ng sakit.

"Ay hindi, hindi nangyari ‘yon na nagtanong ako kung bakit nagkaroon ng ganoong karamdaman si Rudy. Nagtanong kami sa doktor kung ano ang dapat gawin para gumaling [si Rudy]," nakatawang pahayag niya.

"Pero hindi sa Diyos, kasi, we cannot question God, because God has been so good to us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ng aktres na dahil sa pangyayaring ito ay mas lumakas ang pananampalataya at pagkapit nila sa Diyos. Natutuwa rin si LT sa ipinakikitang tapang ni Rudy.

Aniya, "Matapang siya dahil nanggagaling ang tapang niya sa Panginoon, katulad ko rin. Kumbaga, whatever strength we're having, that's the grace of God. Kumbaga, si God ang nagbibigay sa amin nun. Hindi kasi kayang ibigay ng tao ‘yon. Tao lang tayo, e, so talagang bigay ng Panginoon ang anumang strength at tapang natin sa mga ganitong sitwasyon.

"Bago nangyari ang sakit ni Daboy, close na kami kay God, pero mas naging closer ngayon. Ang pagiging close namin before, every Sunday we try as much as possible to go to mass, we try as much as possible to have a Bible study minsan. Pero ngayon, mas naging religious siguro sa lahat ng ginagawa namin. Pati siguro yung paggawa mo ng mabuti sa kapwa, pagtulong mo sa kapwa, parang nire-reciprocate mo ‘yon kung anumang naibibigay sa iyo, iyon din ang nailalabas mo.

"Yeah, positive ang nangyayaring ito kahit na may ganitong trials. Ang tingin namin dito, trials not for us to suffer, pero to rejoice kasi we see the blessings of God, e," positibong pahayag ni Lorna.

Sa kabila ng health condition ni Rudy, sinabi ni Lorna na maaari pa ring gumawa ng pelikula or TV show ang kanyang asawa.



"Oo, kaya naman niya kahit ngayon. Hindi ba after ng operation niya, nag-Now & Forever at nag-Atlantika siya?" sabi ni LT.

"Hindi naman siya mukhang may sakit. Pero siyempre, ayaw na rin kasi naming maraming speculation yung mga tao. Ayaw na rin namin na mag-worry sila at mag-isip na kung ano yung sakit, 'tapos yun nga, na mamamatay na. Kaya nasabi niyang ‘I ain't gonna die yet.' Naging emotional kasi lahat ng tao ng time na iyon, e," nakangiting saad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinuturing ni Lorna na ito na ang pinaka-seryosong battle na kinahaharap ng esposo, subalit buo ang pananalig nila sa Diyos na malalagpasan nila ang pagsubok na ito.

"Yes, I think so. And we hope to win this battle with God's help," pagtatapos na ng award-winning actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN