Manilyn Reynes wants to get pregnant again


Actress-TV host Manilyn Reynes (pictured) and husband Aljon Jimenez are ready to have their third child and since they already have two boys, Manilyn wants to have a girl this time.



Ready na ang actress-TV host na si Manilyn Reynes na mabuntis ulit.

Ayon kay Manilyn, okay na para sa kanila ng mister niyang si Aljon Jimenez, na dating ring artista, na planuhin ang third baby nila. Malalaki na raw kasi ang mga boys nilang sina Kyle at Sean.

"Kaya ko pa namang magbuntis," sabi ni Manilyn. "I'm just 35 years old at kung bibigyan namin ni Aljon ng tamang oras at panahon, matutupad ang kagustuhan naming magkaroon ng bagong baby. Pero girl naman ang gusto ko this time. Dalawa na kasi ang anak naming lalake. Gusto ko kasi yung may inaayusan ako."



Noon pa raw gusto nina Manilyn at Aljon na magkaroon ng bagong baby. Pero biglang naging busy ulit ang showbiz career ni Mane kaya parati raw itong pagod pag-uwi ng kanilang bahay. Tatlo kasi ang naging regular shows ni Mane: Bakekang at Mga Kuwento Ni Lola Basyang sa GMA-7 at ang talk show na Moms sa QTV 11 (sister station ng Kapuso Network).



"Nakaka-stress out talaga, pero I am not complaining. Si Aljon lang ang worried parati sa akin. Sinasabi ko naman sa kanya na kaya ko pa ang mga trabaho ko. Kahit naman pagod ako, masaya ako kasi magaganda ang offers sa akin ng GMA-7. Ayoko naman silang biguin, di ba?" aniya.



Dagdag pa niya, "Ang maganda naman kasi, kahit na marami akong trabaho, I still find time to be with my kids and Aljon. Minsan sila ang sumusundo sa akin sa taping, tapos tuloy na ang paglabas namin. Yun naman ang hindi ko ipagkakait sa pamilya ko—quality time with them."



Kung kailan daw mabubuntis si Mane ay pahulaan pa. Kung mabuntis man siya ngayon, wala raw problema dahil handa na rin naman sila ni Aljon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN