Joseph Bitangcol goes sexy


Star Circle Quest discovery Joseph Bitangcol turns 20 on March 28 and takes a bolder career move as he poses for a sexy magazine.



Joseph Bitangcol is the first Star Circle Quest (SCQ) male discovery na magpapa-sexy.

A regular of ABS-CBN's ASAP ‘07, 20 years old na si Joseph this March 28 and sporting a very blonde hair. Going strong pa rin ang relasyon nila ni Sandara Park.

Kung nauna nang nagpa-sexy pictorial ang kaniyang girlfriend na si Sandara sa isang issue ng Uno magazine last year, susunod na rin pala si Joseph, the first of the male SCQ teens dahil nagpa-sexy na sina Roxanne Guinoo, Michelle Madrigal, and soon Paw Diaz daw.

Nakunan na ang sexy pictorial ni Joseph for the next issue of Front Man magazine published by columnist-manager Mell Navarro. Semi-tight and definitely short boxers ang suot niya sa isang set ng pictorial and the other set naman, tinatakpan lang ang kaniyang harapan ng mga tuyong dahon. Inamin naman niya na may daya ito dahil naka-briefs pa rin siya at itinago na lang ito sa mga dahon to make it appear he is wearing nothing but his perfume.

Joseph doesn't mind this. Sa kaniyang launching movie with Sandara, ang D' Lucky Ones, nag-trunks na rin naman siya sa isang eksena sa beach.

Hindi pa lang niya alam kung willing na rin siyang magpaka-daring sa pelikula, although he will consider this seriously.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN