Ehra Madrigal reacts to her sister's break-up with Victor Neri


"Noong magkausap kami, ang nasabi ko, ‘Bakit ka nakipag-relasyon dun,e, matanda na yun?' Michelle said na nagkakasundo naman sila despitethe big age gap. Age doesn't matter daw... Yun nga lang, the last news I heard about them was hiwalay na sila," narrates Ehra Madrigal (left) about the failed relationship of her sister Michelle Madrigal (right) with Victor Neri.


Hindi alam ni Ehra Madrigal kung may bagong boyfriend or kung may nanliligaw na ulit sa younger sister niyang si Michelle Madrigal after ng relasyon nito kay Victor Neri. Ang alam lang ni Ehra ay madalas kasama ng kanyang kapatid ang mga barkada nitong puro babae.



"She goes out naman with her friends," ani Ehra. "Never ko naman siyang nakitang nagmukmok sa house over what happened sa kanila ni Victor. I guess they're not really meant to be sa umpisa pa lang."



Inamin ni Ehra na nagulat siya nang malaman niyang may relasyon sina Michelle at Victor. Alam daw niya kasing magiging issue ang malaking age gap sa pagitan ng dalawa.



"Nalaman ko lang [na sila na] through an interview of Michelle sa TV. Noong magkausap kami, ang nasabi ko, ‘Bakit ka nakipagrelasyon dun, e, matanda na yun?' Michelle said na nagkakasundo naman sila despite the big age gap. Age doesn't matter daw," kuwento ni Ehra.



"Yun nga lang, the last news I heard about them was hiwalay na sila. Sinabi naman niya sa akin what happened. But I guess, si Michelle, she learns a lot from what's happening in her life. It's all up to her naman what she chooses, e. Nandito lang ako to support her."

On her part, mukhang walang problema si Ehra sa pakikipagrelasyon dahil three years na sila ng kaniyang boyfriend, ang rap singer/model na si Myk Salomon. Turning four years na raw sila this year. Gusto nga raw ni Ehra na someday ay makatagpo rin si Michelle ng lalaking pangmatagalan.



"I give her sisterly advices. I don't want to always intrude sa buhay niya. I always tell her to remain strong. Si Michelle naman kasi, kaya niya lahat ‘yan. She's been through a lot of relationships and every time naman ay nagiging okey siya. I just want her to be strong as always," paalala ni Ehra sa kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Ehra sa sisimulang action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, kung saan bida si Richard Gutierrez. Ito ang ika-apat na show ni Ehra sa Kapuso Network, after Mulawin, Encantadia, and Majika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN