Joross Gamboa says goodbye to Jo-Rox loveteam?


Joross Gamboa and Roxanne Guinoo met in 2004 when they both became part of ABS-CBN's defunct reality-based artista search Star Circle Quest Batch 1. They became reel partners, and their loveteam was dubbed by the fans as Jo-Rox. Eventually, they became real life sweethearts. The two broke up in 2006.



Nag-last taping day na bilang hosts ng At Home Ka Dito sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo noong nakaraang Tuesday, March 20. Ito ang inamin ni Joross mismo during the press con of Rounin.



Ayon kay Joross, two years din daw sila ni Roxanne sa At Home Ka Dito. Para sa young actor, walang dahilan para malungkot pa siya ngayong kailangan na niyang mag-goodbye sa nasabing ABS-CBN Sunday morning show ni Charlene Gonzalez.



"Ang sa akin kasi, lahat naman dito sa showbiz, may ending. Kumbaga, noong ginawa namin yung At Home, dapat for six months lang kami, pero tumagal ng two years. So, sobra-sobrang extension na nga," sabi ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Balitang nagkaiyakan daw sa set nang mag-last taping day na sila, lalo na raw ang mga staff na naging malapit na kay Joross.



"Kami naman ni Ate Cha [Charlene], hindi kami umiyak. Kasi, ang tingin ko riyan, hindi naman kami naggu-goodbye. Maliit lang naman ang ABS-CBN at magkakasama-sama pa rin naman kami. May chance na magkatrabaho pa rin kami."



Bagama't marami sa mga press people na kumakausap kay Joross sa press con ng Rounin ang nagsasabing na ang pagbabago ng image ng kanyang dating ka-loveteam at ex-girlfriend na si Roxanne ang posibleng dahilan kung bakit sila nawala na sa show. Hindi na raw kasi wholesome ang image nito at hindi na bagay sa show, at dahil magka-love team sila, nadamay lang siya. Pero ayaw isipin ni Joross na ganoon nga yun.



"Well, partly nga siguro it has something to do with that. Pero, ang sa akin kasi, kumbaga, package kaming kinuha sa At Home, so parang ang pangit din naman kung ako lang ang maiiwan," paliwanag niya.



Halatang nagulat din si Joross nang may magtanong at makaalam na may offer pala ang Regal Entertainment na movie sa kanya at kay Roxanne. Pero balita rin na tinanggihan niya raw ang offer. Ano nga ba ang totoo rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman sa tinanggihan," paglilinaw niya. "Bale yung story yata, parang hindi na akma for us. Parang ganoon, hindi ko rin alam, pinag-uusapan pa rin. Siguro kasi, kung yung kuwento ay gagawin namin noong bago-bago pa lang ang loveteam namin [ni Roxanne], parang mas magki-click pa.



"Ako naman, flattered naman ako na may offer ang Regal. So sana, kung hindi man mag-work out ngayon, hopefully in the near future, makagawa rin ako ng project sa kanila," sabi pa niya.



Personally ba ay gusto na niya talagang humiwalay kay Roxanne as loveteam?



"Siguro sa ngayon, mas maganda and it will do good for both of us na mai-try rin namin na maipareha sa iba or mag-solo. Sa tingin namin, the best thing to do right now ay mag-separate muna, i-develop yung sarili," malinaw na sagot ni Joross.



"Aminin din natin na, let's say, for three years na rin naman, parang hindi na rin naman kami masyadong nag-boom as loveteam," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN