Jolina and Bebong confirm wedding after the elections


"Hindi na namin patatagalin. Bebong is 33 and I'm turning 29 na sa November 6, right age na to get married," says Jolina Magdangal. Are we hearing the wedding bells soon?


Kung anu-anong mga balita ang lumabas tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Jolina at Bebong kaya nilinaw ng magkasintahan ang tungkol dito sa isang maliit na press con last Monday, March 26, sa Serye restaurant sa loob ng Quezon Memorial Circle.

"Hindi ko nga po alam kung saan nanggaling ang mga balitang ‘yan," nakangiting wika ni Jolens. "May isa pang nasulat, gusto ko raw bumalik ng Camiguin Island, kung saan kami nag-shooting ni Juday [Judy Ann Santos] ng Ouija, para doon kami magpakasal ni Bebong. Hindi po totoo ‘yon dahil gusto ko dito [sa Manila] ang church wedding namin. Gusto nga ni Bebong, sa Europe, pero mas gusto ko na kasama namin lahat ng relatives namin, mga kaibigan, at ang mga fans.

"Ayoko pong mainitan ang mga guests namin. Kaya siguro doon sa may ber months na o early next year. Hindi na namin patatagalin. Bebong is 33 and I'm turning 29 na sa November 6, right age na to get married," paniniguro ni Jolina.

Ready na bang maging nanay ni Jolina. Ilang anak ba ang gusto nila ni Bebong kung saka-sakali?

"Gusto ko po tatlo," nakangiting wika ni Bebong. "Ayoko pong dalawa lang ang maging anak namin, tulad ko na dalawa lang kami ni Ten-Ten [ang yumao niyang kapatid na singer]. Nang mawala siya, mag-isa na lang ako."

"Kung ilan po ang kaya ng lalagyan ko!" nagbibirong wika naman ni Jolens. "Sige, tatlo rin, tulad namin, kasi tatlo kaming magkakapatid. Kung minsan nga, naiisip ko kung ano kaya ang hitsura ko kung buntis na ako, hindi kaya magmukha akong batang busog?!

"Kidding aside, ready na rin po... Alam ko na ang gawaing-bahay, huwag lang ang paglalaba. Hindi ako masyadong marunong magluto, pero madali pong pag-aralan ‘yon. Magpapaturo ako sa kumare ko, kay Judy Ann. Naaalala ko nga, kapag nagsu-shooting kami ni Juday ng Ouija, lagi siyang may mga dalang healthy foods na niluluto niya, ako naman mga junk foods ang dala ko!" natatawang pahayag pa ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mauuna ba silang magpakasal kina Judy Ann at Ryan Agoncillo?

"Siguro po, mauuna kami," sagot ni Jolina. "Kita ko namang mahal nina Juday at Ryan ang isa't isa. Natutuwa ako kasi ang saya-saya nila, lagi silang magkasama. Balita ko po ay May 2008 daw sila magpapakasal."

Si Jolina pala ang first choice para maging bride-to-be ni Ryan sa My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment. Ang pagtulong daw sa pangangampanya ni Bebong ang reason kung bakit nag-back out si Jolina sa naturang proyekto.

"Ayoko po kasing maging cause of delay sa shooting kung hindi ako available. Hindi naman talaga ako sumasamang mangampanya kay Bebong, pero alam niyang nandoon ako to give him moral support. Like yung nagpapadala ako ng mga short notes sa kanya para mabawasan ang stress niya," sabi ni Jolina.

By June 2007, pagkatapos ng eleksyon, puwede na nilang paghandaan ang kanilang wedding. Papayagan pa rin ba ni Bebong na magpatuloy sa showbiz si Jolina kung mag-asawa na sila?

"Opo, kasi nakikita ko, masaya siya sa ginagawa niya. Ito ang mundo niya at hindi ko ‘yon babaguhin dahil lang sa nag-asawa na siya," sabi ni Bebong.

"Sabi ko nga po kay Bebong, kahit buntis na ako, maghu-host at kakanta pa rin ako. Ipakikita ko sa mga tao na buntis na talaga ako!" natatawang sabi naman ni Jolina.

Dagdag pa niya, "Pero napag-usapan na rin po namin ni Bebong na anuman ang mangyari sa career namin, magiging first priority pa rin namin ang magiging mga anak namin. Gusto po namin ay isang maganda at masayang pamilya. Hindi po namin ipagpapalit ang pamilya namin sa aming mga career."

Hindi pa alam ni Jolina kung ano ang susunod niyang project pagkatapos ng StarStruck. Pero chance na raw niya ‘yon para matanggap na niya ang mga offers abroad na hindi niya natanggap dahil hindi siya puwedeng umalis ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very thankful din si Jolina dahil may immigrant's visa na siya. Declared na siyang Alien of Extraordinary Ability ng United States Department of Homeland Security. Na-issue ito sa kanya last January 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN