Jennylyn Mercado will not back out from "My Kuya's Wedding"


Jennylyn Mercado clarifies earlier reports that she already backed out from Regal Entertainment's My Kuya's Wedding. The young actress says that she will still do the project after it was explained to her that her role will not be a support to co-stars Ryan Agoncillo and Maja Salvador.



Nagulat daw ang young actress na si Jennylyn Mercado noong unang sabihin sa kanya na siya ang makakasama nina Ryan Agoncillo at Maja Salvador sa Regal Entertainment production ng My Kuya's Wedding.

Aware daw siyang may movie offer sa kanya ang Regal at ang alam niya ay isa itong light comedy drama, pero hindi sina Ryan at Maja ang makakasama niya.

"Pero naipaliwanag na po sa akin ng manager ko [Becky Aguila] at na-assure naman po ako na isang magandang proyekto ang My Kuya's Wedding," sabi ni Jennylyn nang siya'y makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nang magkaroon kasi ng story conference cum contract signing sina Maja (with Jason Abalos) ay nagkataong wala si Jen kaya umikot ang intrigang isang support role lang daw ang natoka sa kanya.

"Naku, swear po, wala po talaga akong alam! Nang banggitin po yun sa akin ay totoong nasa ibang assignment/commitment ako. Pero sabi ko nga po ay naayos naman na," dagdag pa niya.

No less than Roselle Monteverde-Teo na producer ng nasabing project ang nag-guarantee na major role ang papel ni Jennylyn sa movie.

"It's going to be a love triangle among the brother, his younger sister, at ang fiancee ni lalaki. Si Ryan ang brother, si Maja ang younger sister, at si Jennylyn ang fiancee. Sa kanila iikot ang kuwento kaya't pare-pareho silang major roles," paliwanag ni Ms. Roselle.

Hindi kasi maiiwasang mabanggit ang nasabing item dahil di hamak namang mas may napatunayan na si Jennylyn kumpara kay Maja. Mismong ang manager ni Maja na si Chit Ramos ang nagsasabing hindi pa nakakarating sa estado ni Jen si Maja, kaya't grateful sila na pumayag itong makasama ang alaga niya sa tila launching movie nito sa Regal.

Pagtatapos ni Jen, "Alam ko po ang ganyang feeling. Galing din naman po sa ganyan. Masaya po ako na makakatrabaho ko sila at sana ay maging magkaibigan kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN