Piolo Pascual on Judy Ann Santos: "Wala kaming gap."


"Juday and I naman, even if we don't talk, we're okay. I mean, you know, wala naman kami sigurong atraso sa isa't isa para magkaaway o magkagalit so wala kaming gap," says Piolo Pascual about the rumor that he and loveteam Judy Ann Santos have a gap.



Nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo Pascual sa summer episode ng ASAP '07 sa Subic Boardwalk, Zambales, last Sunday, March 25, at doon isa-isa niyang sinagot ang latest issues on him.

Magkasunod na pinarangalan si Piolo ng dalawang award-giving bodies bilang Best Actor para sa pagganap niya sa pelikulang Don't Give Up On Us. But sad to say, parehong di sinipot ni Piolo ang awards night ng Golden Screen Awards at Star Awards for Movies.

"Nasa shooting kasi ako ng movie namin ni Regine [Valesquez] sa Zambales nung Star Awards. Tapos may Heartthrobs [concert] naman kami ni Sam [Milby] nung Golden Screen," paliwanag ni Piolo.



May isyu na isosoli raw ni Piolo ang award niya sa Golden Screen dahil nanalo siya sa maling kategorya. Hindi raw kasi comedy or musical ang Don't Give Up On Us kundi drama.



"Bakit ko naman isosoli yun?" balik-tanong ng matinee idol. "It's an honor. It's a recognition, di ba? Siyempre, thankful naman ako. Napaka-ungrateful ko naman siguro kung ibabalik ko yun. The mere fact na na-recognize, kahit isang award pa ‘yan, kahit anong category, ibig sabihin na-notice ang acting mo. Masaya ako dun."



JUDY ANN SANTOS. Sa pagkakapanalo ni Piolo, dalawang beses ding nanalo bilang Best Actress ang kapareha niya sa Don't Give Up On Us na si Judy Ann Santos. Pero si Judy Ann ay nanalo para sa pagganap niya sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo—her movie with real-life boyfriend Ryan Agoncillo.

Ito na raw sana ang magandang pagkakataon para magkita ulit ang magka-loveteam na magkasama at parehong tumanggap ng award. May intriga tuloy na nag-iiwasan talaga sila ni Juday na magkasama sa isang okasyon.



"Nagkakataon lang," sabi agad ni Piolo. "Hindi ako nakapunta sa Enpress [Golden Screen] because I was doing the Heartthrobs sa Aliw with Sam. Yung sa Star Awards naman, I was shooting in Zambales, so wala talagang chance na magkasabay kami. Even nung Wowowee, nag-guest siya, dapat kasama ako ni Sam. Hindi rin ako nakapunta kasi galing din akong taping. So, nagkakataon talaga na hindi kami nagkakasabay. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Totoo bang may gap sila ni Juday?



"Wala po," diin ni Piolo. "Juday and I naman, even if we don't talk, we're okay. I mean, you know, wala naman kaming sigurong atraso sa isa't isa para magkaaway o magkagalit so wala kaming gap. Siguro yung mga tao lang sa paligid namin, pero kaming dalawa, we're okay. We know each other too well to even fight over anything."



Nagduda ang ilan na may gap pa rin sila ni Juday nang magsalita ang young superstar during the Golden Screen Awards na si Ryan pa rin para sa kanya ang Best Actor. Na-nominate din si Ryan for Best Actor-Musical or Comedy para sa Kasal, Kasali, Kasalo.



"I read about that. Binasa pala niya apparently yung isang tarpaulin dun sa audience. Binasa lang niya yung sinabi na ‘Ryan is my best actor.' And I think she had an interview after at sinabi niya na hindi naman daw niya mini-mean yun against me. E, sinabi naman niya na deserving din ako. Hindi ko na bibigyan ng ibang kulay siguro yun," paliwanag ni Piolo.



Kaya tinanggap na lang niya?



"Sa panahon ngayon, masyadong mainit para mag-isip ng masasamang bagay," sagot niya.



Pero willing pa rin ba si Piolo na makipagtambal kay Juday sa mga susunod na proyekto?



"Wala naman pong problema sa akin," sabi ni Piolo. "At the end of the day, trabaho lang ‘yan. Kung pepersonalin ng ibang tao, e, huwag na lang kesa magkasiraan pa. Basta ako, ‘pag ibinigay sa akin, kung alam ko na kikita at professional lang, gagawin ko. Kung ayaw ng iba, huwag na lang."



Nirerespeto raw niya kung totoong ayaw na ni Juday na makatrabaho siya. But with regard sa tsismis na nagpa-secret marriage na raw si Juday sa boyfriend niya na si Ryan, umiwas nang sumagot si Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wow! No comment!" tawa niya.

Tapos ay sinabi niyang, "Ah, kung saan sila maligaya, kung saan maligaya si Juday, doon ako. Basta masaya siya, okay ako."

FAKE PHOTOS. Finally, nagsalita na rin si Piolo tungkol sa mga malisyosong litrato na lumabas kamakailan kung saan kasama niya sina Sam Milby at Erik Santos.



Aniya, "Masaya po ako because bukod sa nangyayaring ganun, nagkaka-award pa rin ako. So I think it's a blessing. If I dwell on things like that, napaka-unfair naman yun para sa buhay ko kung may soap ako, may pelikula ako, may mga trabaho ako, sunud-sunod ang trabaho ko, ‘tapos nare-recognize ka pa. Kung iisipin ko pa yung mga bagay na yun, napaka-unfair ko na sigurong tao.

"Natural lang siguro na sa lahat ng bagay may negatibo, may nasasabing hindi maganda. Hindi ko na lang po iniisip yun. Siguro ang sa akin, ipagdadasal ko na lang kung sino ang gumagawa sa akin noon," mahaba niyang pahayag.



Wala raw siyang oras para isipin o alamin pa kung sino ang gumawa nun sa kanya. Bagama't may tsika na mismong fans daw niya sa US ang pinagkunan ng mga larawan na lumabas.



"Kung sino man yun, I'm sure wala siyang magawang maganda sa buhay niya. Pero I don't take it against him. Basta sa akin, diretso ako sa trabaho ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako nawawalan ng trabaho at lumalabas din naman ang totoo afterwards," sabi ng aktor.

"E, hindi totoo after. I don't have to lift a finger. Lumalabas naman sa mga showbiz columns kung ano ang totoong picture, kung ano ang totoong nangyari, so I don't see the point of reacting pa. Kumbaga, yung mga taong mas nakakakilala sa akin, sila na ang gumagawa ng paraan para mas mailabas ang other side at totoong side ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang importante po, hindi nakakaapekto sa pagkatao ko. Sa karera naman natin, mawawala at mawawala ‘yan balang-araw. Pero ang importante, wala akong inaagrabiyadong tao. Sila na yung tumapak sa akin, basta nakakatulog ako nang mahimbing at peaceful," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN