Ramon Revilla on son Bong Revilla: "Huwag niya akong tularan."


"It's wrong, very wrong. Isa 'yan sa mga leksyon na natutunan ko at gusto kong ibahagi lalo na sa ating mga kabataan. I want to set a good example and I am doing this now with my children," says former Senator Ramon Revilla about having children with different women.


Sa edad niyang 80, ipinagmalaki ng former actor and senator na si Ramon Revilla na malakas pa siya— ito ay sa kabila ng pagsasailalim niya nang tatlong beses sa triple heart bypass surgery noong 1999, at pagkaka-opera niya nang dalawang beses sa spinal cord sanhi ng isang car accident na naganap noong 2002.

"I am relatively in good health," aniya. "Kahit ang mga mata ko ay malinaw pa. In fact, nakukuha ko pang magbasa ng diyaryo nang hindi kailangang gumamit ng eyeglasses. There's really nothing wrong with me."

Sa mga nag-aakala naman na anting-anting ang sikreto ng dating senador kaya malusog pa siya sa kabila ng kanyang edad ay sinabi ng aktor na wala itong katotohanan.

Ani Mang Ramon, "Hindi totoong may itinatago akong anting-anting. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng anting-anting. Yung ibang tao kasi akala nila talagang may agimat ako, gaya ng napapanood nila sa mga pelikulang ginawa ko na Pepeng Agimat and Nardong Putik.

"Hindi po agimat ang sikreto ng aking kalusugan kundi ang malinis na pamumuhay. Sa mga hindi nakakaalam, hindi ako umiinom ng alak, hindi rin ako naninigarilyo. Alam ko kung paano alagaan ang sarili ko, lalo na nung bata pa ako. Hindi ko inabuso ang aking katawan. That's why I'm still in good shape up to now," pagmamalaki pa ng ama ni Senator Bong Revilla.

Sa kabila nito, naniniwala raw si Mang Ramon na anumang oras ay nakatakda na siyang kunin ng Dakilang Lumikha. Kaya naman naghuhugas na raw siya ng mga kasalanan.

"Alam ko na anytime ay puwede akong mawala. Sa bagay na 'yan, nakahanda na ako. Every Sunday, uma-attend ako ng Bible lessons. Wala na akong mairereklamo. Wala na rin akong mahihiling pa sa naging buhay ko. This is now the twilight of my life. Ang gusto ko na lang ay maging masaya ang mga anak ko at maging mabubuting mga mamamayang Pilipino," nakangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ni Mang Ramon na nasa isang daan, more or less, ang kabuuang bilang ng mga anak sa iba't ibang babae na maiiwan niya kung saka-sakaling bawian na siya ng buhay.

"Hindi naman ganoon karami," pakli niya. "Ang anak kong si Andrea ang nakakaalam niyan, siya ang nagtatago ng listahan ng pangalan ng mga anak ko."

Si Andrea, mas kilala bilang Andeng sa showbiz, ang pinakapaboritong anak ng dating senador. Siya ay maybahay ni Dr. Junjun Ynares, anak ni Rizal Gov. Yto Ynares.

Samantala, nilinaw ni Mang Ramon na hindi siya dapat hangaan sa pagkakaroon niya ng napakaraming anak sa iba't ibang babae. Bagamat wala raw siyang pinagsisisihan sa mga ginawa niya sa kanyang buhay in the past, lalo pa't marami naman siyang leksyon na natutunan ay hindi pa rin daw tama na magkaroon ng maraming anak ang isang lalaki na iba-iba ang ina.

"It's wrong, very wrong. Isa 'yan sa mga leksyon na natutunan ko at gusto kong ibahagi lalo na sa ating mga kabataan. I want to set a good example and I am doing this now with my children."

Hindi nga lingid kay Mang Ramon ang pagkakaroon ng love child ng anak niyang si Bong. Kamakailan ay inamin na nga ito ng aktor-pulitiko matapos siyang ibuko ni Gretchen Barretto. Ayon kay Mang Ramon ay nagkausap na sila ni Bong tungkol dito.

"Sinabi ko sa kanya na tigilan niya 'yan. Dapat isipin niya ang asawa niya [Lani Mercado] at ang mga anak nila. Sinabi ko rin sa kanya na huwag niya akong tularan dahil ang pagkakaroon ng maraming anak ay hindi biro at malaking responsibilidad. Siyempre, hindi mo naman puwedeng pabayaan 'yan, kailangan alagaan mo rin at pag-aralin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN