Vic Sotto defends Tito against detractors


"Expected na namin yung may mga babatikos. Pero more than batikos,tingnan natin kung ano ang nasa likod ng batikos na yun. Basta ako,naniniwala ako sa kapasidad niya [Tito] bilang taga-gawa ng batas," says Vic Sotto about his brother, senatorial candidate Tito Sotto.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang top comedian na si Vic Sotto sa press con na ibinigay ni Mother Lily Monteverde para kay Tito Sotto, kapatid ni Vic, sa Imperial Palace Suites kagabi, March 27.

Nagbigay ng reaksiyon si Vic tungkol sa mga batikos na natatanggap ni Tito dahil sa pagtakbo niya bilang senador sa ilalim ng TEAM Unity ng administrasyon. Noon kasing tumakbo ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. laban kay Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 bilang Presidente ng Pilipinas, isa sa pinaka-visible na pigura sa kampanya ni FPJ si Tito. Kaya nagulat ang marami nang nagdesisyon si Tito na umanib sa partido ng administrasyon ngayong eleksiyon, gayong ang karamihan ng mga kasama niya noong panahon ng kampanya ni FPJ ay nasa Genuine Opposition (GO).



Isa si Vic sa nagtatanggol kay Tito sa mga batikos na natatanggap ng huli.



"Nang magdesisyon si Tito to run under TEAM Unity, pinakinggan namin ang mga reasons niya. And I think, me personally, it's all valid for him to run under TEAM Unity," panimulang pahayag ni Vic.



Dagdag pa niya, "Expected na namin yung may mga babatikos. Pero more than batikos, tingnan natin kung ano ang nasa likod ng batikos na yun. Basta ako, naniniwala ako sa kapasidad niya [Tito] bilang taga-gawa ng batas.



"Hindi lang siya ma-press release, pero kung mababasa mo ang libro niya tungkol sa mga nagawa niya, maniniwala ka na karapat-dapat lang ngang iboto si Tito. At tulad nga ng sinasabi namin sa commercial namin na TVJ [kasama si Joey de Leon], palipat-lipat man kayo, pabago-bago man kayo, mag-iba man kayo ng kulay, ang importante ay kung ano ang ino-offer n'yo sa tao. Ano ba ang nagagawa mo para sa tao?" paliwanag ni Vic.

"Darating tayo riyan," naman ang naging tugon ni Vic when PEP asked him kung may plano rin ba siyang pasukin ang pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

During the open forum, si Joey de Leon naman ang nagpahayag na tulad ni Tito, may plano rin sila ni Vic na pumasok sa pulitika. Yun nga lang, sa year 2010 pa raw ito mangyayari at yun ay sa kasunduan kung iboboto muna ng taong-bayan si Tito ngayong 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN