Charo Santos-Concio denies rumor that she will resign from ABS-CBN


ABS-CBN's Executive Vice-President Charo Santos-Concio clarifies a report that she is resigning from the Kapamilya Network. According to her, there is no reason for her to leave the TV station that she once dreamed of being a part of.


Sumaglit kaninang tanghali sa press conference ng Walang Kapalit, ang bagong soap opera ng ABS-CBN 2 na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto, ang executive vice-president ng Kapamilya Network na si Charo Santos-Cancio para pabulaanan ang balita na lumabas ngayon sa Manila Bulletin.



Ayon kay Charo, walang katotohanan ang lumabas sa kolum ni Mrs. Showbiz sa Manila Bulletin na "she threatened to resign" dahil diumano sa "feud with upper management."

Ayon pa sa column item, pati raw ang kanyang production subordinates na sina Deo Endrinal at Enrico Santos, kasama ang lima pang executives, ay nangakong sasama kay Charo at magre-resign din kapag nagdesisyon ang lady executive na iwanan ang ABS-CBN.

Ipinapahiwatig din sa nasabing column item ng Manila Bulletin na may kinalaman diumano ang pagre-resign ni Charo sa hindi pa pag-a-appoint sa kanya ng ABS-CBN big boss na si Gabby Lopez bilang President ng ABS-CBN.



Ikinuwento ni Charo na mga programa ng ABS-CBN ang pinanonood niya noong bata pa siya at kasama sa kanyang mga pangarap ang makatapak sa bakuran ng nabanggit na network. Natupad ang pangarap ni Charo dahil bukod sa pagtapak sa bakuran ng ABS-CBN, nagkaroon pa siya ng mataas na posisyon dito.



Iginiit ng award-winning actress-turned-TV executive na walang dahilan para magbitiw siya sa kanyang tungkulin dahil sa ABS-CBN na raw siya magreretiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN