Vic Sotto reacts to rumors about changes in 'Eat Bulaga!'


"Yung word na reformatting, it's an ongoing process sa Eat Bulaga!. Kumbaga, hindi mo makikita ang grupo ng Bulaga na tutulog-tulog lang or kampante. We never get overconfident," says Vic Sotto about rumors that Eat Bulaga! will be reformatted.



Ayon sa TV host-comedian na si Vic Sotto, maging siya raw ay nagulat nang mabasa sa column ni Ricly Lo sa Philippine Star kahapon, March 27, na magre-reformat diumano ang Eat Bulaga!, ang daily noontime show na hinu-host niya kasama si Joey de Leon, at marami pang iba.



"I really don't have any idea," aniya. "It's management decision whatever it is. It's all for the good of the show. Kami, mga talents lang kami. Kung ano ang gusto ng management, yun ang masusunod. Pero as of now, wala kaming magagawa.



"At saka sa pagre-reformat, ang Eat Bulaga! naman keeps on reformatting through the years. Kung meron man bumabalik na portion like ‘Little Miss Philippines,' e, yearly na talaga 'yan. So, yung word na reformatting, it's an ongoing process sa Eat Bulaga!. Kumbaga, hindi mo makikita ang grupo ng Bulaga na tutulog-tulog lang or kampante. We never get overconfident," paliwanag pa niya.

Although personally, naniniwala raw siya na wala namang mga dapat na baguhin sa show ngayon.



"Wala naman, e. Personally, I think, it's doing good. Yung ‘Itaktak Mo' is doing good. ‘Yung ‘On the Spot,' maraming gustong sumali. Doon mo makukuha ang feedback ng mga tao, e. If they go out on the street, tapos maraming lalapit sa ‘yo, maraming gustong sumali. E, kasi, maraming natutulungan and at the same time, nakaka-entertain panoorin," sabi pa ni Vic tungkol sa Eat Bulaga! na ngayon ay nasa 28th year na.



Sinasabing ang pag-angat ng ratings ng katapat na show ng Eat Bulaga!, ang Wowowee ng ABS-CBN, ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit may balitang magre-reformat ang noontime show ng TAPE Inc. at GMA-7. Naaapektuhan pa ba sila ng mga ganitong isyu?



"Apekto? Well, I don't know kung ano ang ibig sabihin ng apekto. It's good that it keeps us on our toes. There are times na masyado silang malayo, nawawala ang challenge, e. ‘Yan ang mga pagkakataon na nao-overconfident ka. Pero kapag ganyan na maganda ang laban, mas maganda. Good for the betterment of the show also," opinyon ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



In a way, naniniwala naman si Vic na wala na rin daw makakatalo sa record na naitala ng Eat Bulaga! para ma-threaten pa sila.



"As far as record is concerned, I don't feel threatened," kampante niyang sabi. "Ang problema na lang ay kung hanggang saan. Basta ang alam ko, we will be celebrating our 30 years anniversary. Hindi pa nga lang this year, maybe two years from now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN