Jolina Magdangal misses doing sitcoms


TV host/actress/singer Jolina Magdangal reveals her desire to do a sitcom again. Her last sitcom was Arriba, Arriba, back when she was still with ABS-CBN.



Sinabi mismo ng multi-media star na si Jolina Magdangal na gusto na niyang makagawa ulit ng sitcom.



Ayon kay Jolens, mas magiging at home daw siya kung makagawa ulit siya ng sitcom na matagal na rin daw niyang hindi nagagawa. Ang huling sitcom ni Jolens ay yung pinagbidahan pa niya noon sa bakuran ng ABS-CBN na Arriba, Arriba.



"Sa totoo lang, mas nami-miss ko ang magpatawa," pag-amin ni Jolens. "Kaya nga sa I Luv NY, nabigyan ako ng mga scenes doon na nagpapatawa ako. Kasi mas carry ko ‘yon, although okey din naman yung magdrama ako. But still, yung sitcom ang nami-miss ko and I hope na makagawa ulit ako."



Ngayon, bukod sa pangangampanya sa kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz na tatakbo bilang congressman sa Caloocan City, ang paggawa ng pelikula ang isa pang pinagkakaabalahan ni Jolens. Ito ay ang Ouija ng GMA Films kung saan kasama niya ang kanyang kaibigan na si Judy Ann Santos.

"Psychological thriller and dating ng Ouija," sabi ni Jolina. "Hindi siya gagamit ng mga state-of-the-art special effects. Mas nakakatakot kasi ang dating kapag walang mga malalaking effects. Hindi ba yung mga Japanese horror films, halos wala namang special effects at dinadaan lang nila sa scoring, ilaw, at galaw ng kamera? Ganito ang dating ng Ouija."



Hangang-hanga raw si Jolens sa kanilang direktor na si Topel Lee dahil sa husay nitong gumawa ng mga nakakatakot na eksena.



"Cool na cool si Direk Topel. Parang hindi namin siya direktor sa set kasi nakikipagbiruan siya sa amin at makuwento rin siya. Ang nakakatuwa is bago siya mag-shoot ng scene, may storyboard siya. Kaya alam namin kung paano tatakbo ang scene. Tapos hindi siya particular sa mga blockings, pinapabayaan niya kami to act on our own," kuwento ni Jolina.



Dagdag pa niya, "Iba siya. Kasi ang ibang directors na nakatrabaho ko, may mga markers sa sahig para doon ka lulugar at magda-dialogue. Si Direk Topel, mas may freedom ang movement mo. Ang importante ay makuha mo yung eksena na gusto niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May special participation sa Ouija ang politician boyfriend ni Jolens na si Bebong, pero hindi raw sila nagkaroon ng eksena na magkasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN