Jackie Rice: "Matagal akong natengga kaya wala munang boys!"


"Mahirap yung wala kang ginagawa. Malaki ang sinayang kong mgapagkakataon. Ngayon, good girl na ako. Umiiwas na talaga ako sapakikipagbarkada. Ayoko nang matawag na pasaway. Ang nakakatuwa lang sanangyaring ‘yon, mas nakilala ako ng mga tao—hindi nga lang positive," says Jackie Rice.



Diretsahang sinabi ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice na hindi niya gusto ang dancer na si Yexel Sebastian para sa kaibigang si Iwa Moto, StarStruck 3 First Princess. Kaya noong maghiwalay na raw ang dalawa, inamin ni Jackie na natuwa siya para kay Iwa.



"Sinabi ko nga ‘yan kay Iwa na natuwa ako noong wala na sila ni Yexel. Kung si Iwa umiyak, ako masayang-masaya!" natatawang kuwento ni Jackie sa press con ng Fantastic Man last March 27.



Ayon pa kay Jackie, mas deserving daw si Iwa sa ibang lalake. Hindi na lang binanggit ni Jackie kung ano ang hindi niya gusto kay Yexel dahil baka raw lumabas na sinisiraan niya ito. Tama na raw ang ipinakita niya kay Iwa na sinuportahan niya ito nang kumalas na ito kay Yexel.



"Si Iwa kasi, grabe ma-in love ‘yan. Talagang todo siya umibig sa lalake. Kaya naman minsan, naaabuso ang emotions niya. Kaya noong finally ay nakipaghiwalay siya kay Yexel, masakit para sa kanya kaya iyak siya nang iyak.



"Sinabi ko naman sa kanya na ang daming lalake diyan na nagkakandarapa sa kanya. Bakit titigil ang mundo niya kay Yexel? Bata pa siya kaya marami pang pagkakataon na ma-meet niya ang tamang guy for her. Tutulungan ko pa siyang maghanap. Pero gusto nga ni Iwa ay mag-concentrate muna sa trabaho. Mas tama naman ‘yon, ‘di ba?" sabi ni Jackie.



As for Jackie's lovelife, wala naman daw siyang boyfriend ngayon dahil consistent niyang sinasabi na special friend lang niya si Biboy Ramirez. Ayaw raw muna niyang makipagrelasyon dahil ngayon nga lang daw siya ulit nagbabalik sa trabaho.



"Matagal akong natengga kaya wala munang mga boys," hagikhik niya. "Concentrate muna ako sa work ko. Natutuwa ako't dala-dalawa ang shows ko ngayon [Princess Charming and Fantastic Man] na parehong leading man ko si Mark Herras. Trabaho muna tayo para yumaman tayong lahat!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Good girl na raw si Jackie ngayon at iniiwasan na niya ang mag-party at makipag-barkada. Pagkatapos daw ng tapings niya ay diretso uwi na siya. Ayaw na raw niyang ma-suspend sa trabaho.



"Mahirap yung wala kang ginagawa," aniya. "Malaki ang sinayang kong mga pagkakataon. Ngayon, good girl na ako. Umiiwas na talaga ako sa pakikipagbarkada. Ayoko nang matawag na pasaway. Ang nakakatuwa lang sa nangyaring ‘yon, mas nakilala ako ng mga tao—hindi nga lang positive. Pero ako na mismo ang nagsasabi sa mga bagets na iwasan nila ang bisyo kasi hindi maganda ang dulot no'n sa kanila."



Ipinaliwanag din ni Jackie kung bakit wala siya sa opening number sa Final Judgment Night ng StarStruck noong March 25 sa Marikina Sports Park.



"Kasama po ako dapat sa sexy dance number kasama nina Iwa [Moto], Cristine Reyes, at Katrina Halili. Kaso hindi ko po kaya yung pinapasuot
nila sa akin—top lang po ng bra. E, 16 years old pa lang ako, magagalit ang Daddy ko. Noong sinabi ko nga na hindi ko kayang gawin, hindi na nila ako isinali," kuwento ni Jackie.

Sa song number kasama ang three male finalists ng StarStruck Batch 4 na sina Aljur Abrenica, Mart Escudero, at Prince Stefan na lang sumama si Jackie. Kasama rin ni Jackie na kumanta ang kapwa niya Ultimate Female Survivors na sina Jennylyn Mercado at Ryza Cenon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN