Mark Herras denies rumors linking him to EB Babe Lian and Janelle Jamer


"Hindi na ba ako naawa sa katawan ko? Pagkatapos nga ngtapings, diretso akong uwi kasi the next day, may taping ulit. Paano paako makakapanligaw niyan, di ba?" says Mark Herras.



Nakakaramdam na raw ng matinding pagod ngayon ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras dahil sa tatlu-tatlong shows na ginagawa niya. Bukod sa afternoon soap opera na Princess-Charming at Sunday musical variety show na SOP, si Mark din ang bida sa bagong action-fantasy series ng GMA-7 na Fantastic Man.



Akala nga raw ni Mark ay matatanggal na siya sa Princess-Charming dahil magbibida na nga siya sa Fantastic Man. Pero retained pa rin ang role niya sa nasabing soap opera dahil maganda raw ang ratings nito at baka bumaba raw ito kapag tinanggal siya.



"Tsaka importante raw ang role ko kaya hindi ako puwedeng matanggal basta-basta," sabi ni Mark. "Natuwa naman ako kasi hindi nabawasan ang work ko. Sayang din kasi, di ba? Yun nga lang, matinding sakripisyo kasi three times a week ang taping for Princess-Charming at twice a week naman ang Fantastic Man. Tapos may Sunday pa ako para sa SOP. Kaya the whole week, napapanood na nila ako sa TV."



Dahil nga sa matinding workload ni Mark, wala na raw siya talagang panahon na mambabae pa. Ito ang dahilan kaya natatawa siya sa mga lumalabas na tsismis na ka-MU (mutual understanding) niya ang EB Babe na si Lian Paz at girlfriend din daw niya ang Wowoweee co-host na si Janelle Jamer.



"Hindi na ba ako naawa sa katawan ko?" tawa niya. "Pagkatapos nga ng tapings, diretso akong uwi kasi the next day, may taping ulit. Paano pa ako makakapanligaw niyan, di ba?



"Yung tungkol kay Lian, hindi kami MU. Walang gano'n. Ewan ko kung nanggaling ba sa kanya yung tungkol doon o baka may nagsulat lang. Ni hindi nga kami madalas magkita ni Lian," paliwanag ng young actor.

"Si Janelle naman, barkada ko talaga ‘yan. Matagal na kaming magkakilala. Nabibigyan lang ng malisya yung pagiging close namin. Kahit nga si Janelle, bihira ko na ring makasama kasi sobrang busy sa work," sabi ni Mark tungkol sa co-star niya dati sa GMA-7 drama series na Forever In My Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi kaya ginagamit lang ang pangalan ni Mark ng mga nail-link sa kanya?



"Wow, kagamit-gamit na pala ang name ko ngayon!" sabay tawa ni Mark. "Hindi naman siguro. Mahirap kasi na maakusahan kang babaero kahit hindi naman. Kung babaero ako, sana lima-lima na ang babae ko ngayon! Kaso wala naman, e. Trabaho muna tayong lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN