Yasmien Kurdi faces citizenship dilemma


Now that Yasmien Kurdi has turned 18 years old, she has to choose whether to be a Filipino citizen or a Kuwaiti citizen.



Young actress-singer Yasmien Kurdi turned 18 last January 25. Kasabay ng kanyang pagiging 18 years old, kailangan nang mamili ni Yasmien kung ano talaga ang magiging citizenship niya. Hindi raw kasi puwede ang dual citizenship sa bansang Kuwait kung saan siya pinanganak. Ang kanyang ina ay Filipino samantalang ang kanyang ama naman ay Kuwaiti citizen, although isa talaga itong French-Lebanese.

Kung pipiliin ni Yasmien ang Filipino citizenship ay mawawalan daw siya ng karapatan sa anumang mamanahin niya sa kanyang French-Lebanese father who is based in Kuwait at may malaking garment business doon.

Kung pipiliin naman niya ang maging Kuwaiti citizen, hindi raw siya puwedeng manatili rito sa Pilipinas at kailangang niyang manirahan sa Kuwait. Ito raw naman kasi talaga ang gusto ng ama ni Yasmien na manatili siya sa Kuwait at huwag nang mag-artista.



"Bago ako sumali ng StarStruck, yun ang naging issue between sa Daddy ko at sa mommy ko. Ayaw na ng Mommy ko sa Kuwait kaya inuwi niya ako sa Pilipinas. Nagalit ang Daddy ko kaya since then, hindi na kami sinuportahan. Ngayon, pinamimili na ako," kuwento ni Yasmien na naguguluhan pa rin hanggang ngayon.



May mga nagpayo kay Yasmien na kumonsulta sa isang abogado para maayos ang problema niya. Pero kung makakapagdesisyon daw si Yasmien ngayon, ang pagiging Pinoy ang gusto niyang maging citizenship.



"Nandito kasi ang buhay ko sa Pilipinas," sabi ni Yasmien. Kung tutuusin, okay lang na wala akong mamanahin from my Dad. Okay naman ang kinikita ko rito. Pero may nagsasabi pa rin sa akin na baka puwede pang maayos.

"Only child ako ng Mommy at Daddy ko kaya kanino pa ipapamana ang business kung saka-sakali? Pero kung may strict rules sa Kuwait regarding citizenship, wala na siguro akong magagawa kung ang pagiging Filipino ang pipiliin ko."



Balak lumipad ni Yasmien patungong Dubai ngayong Holy Week dahil maysakit daw ang lola niya. Ito ang same lola na nabalita na umapi diumano kay Yasmien noong bata pa siya. Pero para kay Yasmien, tapos na raw ‘yon at gusto nga raw niyang dalawin ang matanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN