Cogie Domingo also denies sexual encounter with Keanna Reeves


Cogie Domingo corroborates Keanna Reeves's statement about the rumor that they had sexual encounter, and this is the reason why the young actor broke up with rumored girlfriend Lovi Poe.


During the last taping day of Bakekang, habang ini-interview si Lovi Poe, one out of the blue question that really surprised Lovi was kung totoong nag-split sila ni Cogie Domingo because of Keanna Reeves as the third party.

Halos mapalundag sa gulat si Lovi sa katanungan. Una, hindi naman daw naging sila ni Cogie, so hindi nila kailangang mag-split. Ikalawa, wala siyang alam sa issue.

Lumabas ang balita at ikinagulat din ito nina Cogie at Keanna.

Sa debut ni Mayo Suzuki, kung saan isa sa mga celebrity guests si Keanna, ipinakita ni Keanna sa amin ang naging sagot sa text ni Cogie sa tanong niya kung anong issue raw yun. Sa text message ni Cogie, hindi rin daw niya alam kung saan nanggaling ang balitang ito.

Idinagdag pa ni Keanna, magkaibigan lang sila ni Cogie. Minsan lang silang lumabas at nagkasama by accident at naging textmate, ngunit yun na yun. Huwag naman daw sanang sirain ang loveteam nina Cogie and Lovi on her account.

Paalis ng Wednesday night, March 28, si Cogie papuntang States. Nang itinawag niya ito sa amin, naitanong na rin namin sa kaniya ang issue sa kanila ni Keanna. Kahit si Cogie ay nagulat.

Kuwento ni Cogie, last year daw while driving sa EDSA at nakahinto ang sasakyan niya, kumaway raw ang nakasakay sa katabing sasakyan niya at kumaway rin siya not knowing kung sino ang kumaway sa kaniya.

Nang binuksan na niya ang bintana, nakita niyang it was Keanna pala. Keanna invited him and his brother to eat out sa Teriyaki Joe sa may Makati area para magkakilala, both being celebrities naman. Pinagbigyan siya ni Cogie who has no appointment that time. After that, hindi na rin daw sila nagkita although naging textmates sila.

Paalis nga si Cogie sa States on the day of his phone call to us and we asked him kung alam ba ito nina Lovi and Keanna. Si Lovi lang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN