Janno Gibbs and Bing Loyzaga are now sleeping in the same bed


"Matagal na talaga naming inaayos ‘yon, bago pa dumating ang krisis sabuhay namin. Matagal din naman ang process. Months narin na sa iisang bahay na kami nakatira at hindi pa man kami ganunka-romantic, pero very comfortable na kaming magkatabing natutulog," says Janno Gibbs about his relationship with wife Bing Loyzaga.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainemnt Portal) ang singer-comedian na si Janno Gibbs sa press con ng bagong show ng GMA-7 na Lupin last March 26.



Ito ang kauna-unahang primetime drama series ni Janno. Paano napapayag si Janno na gawin ang proyektong ito?

"Tinawagan nila ako at in-offer nga ang role ni Inspector Clavio, ini-reserve daw nila talaga ‘yon sa akin. Pero pinag-isipan kong mabuti. Alam kong mahirap ang taping ng mga soap, baka maging cause of delay ako. Hindi ko naman inililihim na mahirap ako talagang dumating nang maaga sa mga commitments ko, lalo na kung umaga. Worried ako na baka ma-late ako, pero hindi ko rin natiis," kuwento ni Janno.

"Perfect role ‘yon, tumatayo nang sarili niya ang character kaya binalikan ko sila [Lupin staff]. Sinabi ko muna ang worry ko, pero sabi nila magiging flexible ang schedule ko. Pwede naman kasi akong mag-taping ng lunchtime or after lunch.

"Saka laban naman ako sa puyatan, may insomia kasi ako, umaga na talaga ako natutulog. In fairness sa akin, naka-two weeks na rin akong nagti-taping at wala pa naman akong naibigay na problema sa kanila," natatawang wika ni Janno.

"Naisip ko ring tanggapin ang offer kasi feeling ko, at this point of my career, parang masyado na akong relaxed, wala nang challenge. Hindi dapat na basta na lang ako nagpapatawa sa TV o kanta na lang nang kanta. At para sa akin, challenge ang paggawa ng isang soap dahil kailangan mo itong bigyan ng time. Three times-a-week kasi ang taping, hindi tulad ng mga sitcom na once-a-week lang," aniya pa.

ALLEGED STALKER. Kinumusta rin namin kay Janno ang diumano'y stalker niya.

"Fan ko raw siya at napatunayan nang hindi naman siya minor, tulad ng kini-claim niya. Kilala ko naman siya na mabait. Nagdadala pa nga siya ng pagkain kapag may taping ako, dahil tumatawag siya sa akin kung saan daw ang taping ko," sabi ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang claim niya, napag-tripan ng mga friends niya ang cell phone niya at yun nga, kung anu-ano ang itini-text sa akin. Pero iba na ang usapan nang may death threats na silang ipinadadala, kasama na ang mga anak namin, kaya hindi na kami nanahimik.

"We are willing to compromise. Ang mahalaga, ang kaligtasan ng mga anak namin [ni Bing]. Pero hindi pa rin kami naging kampante, patuloy namin silang pinababantayan sa pagpasok nila sa school at kahit saan sila pumunta. Mabuti na nga lang at tapos na ang classes kaya lagi nilang kasama si Bing," pahayag pa ng singer-comedian.

BING LOYZAGA. Nabanggit na rin lamang si Bing Loyzaga, kumusta na ang relasyon nilang mag-asawa? May balikan na bang mangyayari dahil sa krisis na nangyari sa kanila?

"Matagal na talaga naming inaayos ‘yon, bago pa dumating ang krisis sa buhay namin. Matagal din naman ang process. Ilang months din naman kaming hiwalay dahil kahit iisa ang bahay namin, doon ako natutulog sa kabilang unit; si Bing at mga anak namin, nasa kabilang unit. Months na rin na sa iisang bahay na kami nakatira at hindi pa man kami ganun ka-romantic, pero very comfortable na kaming magkatabing natutulog," kuwento ni Janno.

Kung sakali bang maayos na ang pagbabalikan nilang mag-asawa, willing ba siyang mag-reform?

"Oo naman, I'm willing to reform," mabilis niyang tugon.

"Kita n'yo nga, wala akong love interest dito sa Lupin. Gusto ko nga sana si Ehra [Madrigal] ang maging love interest ko, pero wala talaga sa story. Joke lang yung kay Ehra, alam ko may boyfriend na siya. Basta ang mahalaga sa akin ngayon, ang aking pamilya," sabi ni Janno bilang pangwakas.

Bukod sa Lupin, regular pa ring napapanood si Janno sa SOP every Sunday at sa Nuts Entertainment every Wednesday sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN