Piolo on Sam: "Ako na lang siguro 'yong iiwas."


"Hindinaman kami ni Sam ‘yong super close, e. Sam and I are really friends to someextent, pero ‘yong kagaya ng sinabi ko hindi na dapat lagyan ng ibang kulay.Kami na ‘yong gumagawa ng paraan para hindi makitaan ng malisya ng ibang tao," says Piolo Pascual about Sam Milby.


"Para walang masabi ‘yong mga tao, hindi na kami ganoonka-close ni Sam," answered Piolo Pascual when asked about the ongoing rumorlinking him to his ASAP '07 co-host Sam Milby.

He explained, "Because of what happened, we just decided na'wag na nating bigyan ng window ‘yong tao para mag-isip. Kaysa bigyan mo ngmalisya ‘yong tao, bigyan mo na lang ng respeto ‘yong isa't isa para walang maisip‘yong mga tao.

"I think naman hindi na rin naman—hindi naman sa hindikailangan ni Sam ‘yong tulong ko—pero as an individual, mas alam na niya ‘yongginagawa niya. Unlike before na medyo umaalalay pa tayo when he was startingout, kaso nga noong lumabas ‘yong isyu, hindi mo talaga maiwasan na paranguneasiness 'pag magkasama kayo. Mas aware lang siguro kami ngayon kasi nga ayawnaming mag-isip lang ‘yong tao."

In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal)at the press con of Walang Kapalit yesterday, March 28, Piolo admitted that the rumorstrained his relationship with the Maging Sino Ka Man actor.

"In a way [naapektuhan]. Hindi naman apekto na paramagkasiraan kami, pero mas aware lang kami pareho sa ginagawa namin ngayon parawala nang pag-isipan. Magkapatid pa rin kami sa Talent Center, sa Star Magic,nagkakasama kami sa ASAP. Pero siguro hanggang doon na lang muna," Pioloasserted.

He continued, "When the rumors started coming out. Kasisiyempre baguhan din ‘yong tao [Sam]. Hindi mo maiaalis na, noong nag-press con kamifor Heartthrobs here na, ‘Bakit ganoon? Bakit ganoon mag-isip?'

"Pero pag magkasama kami sa stage, wala namang problema.Siguro mas aware na rin kami sa ikinikilos namin. First of all, wala namankaming itinatago so napag-isip lang siguro ‘yong mga tao. Mas conscious langkami ngayon."

Piolo also reveals that they never discussed the issue.

"We never talked about it. Pinagtatawanan pa nga naminbecause we know ourselves. Hindi naman namin kailangang upuan at pag-usapan nangmasinsinan. Wala lang. If there's anything, we pray about it na itigil na atmag-move on na kami pare-pareho... Hindi naman namin siniseryoso," said theactor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talks about his sexuality and his relations with Sam and Erik Santos have been hounding Piolo for months. There have beenmanipulated photos that circulated the Internet, showing Piolo and Sam holdinghands, and Erik piggy-back riding Piolo.

He reacted, "Mas natututo lang siguro ako ngayon. ‘Yongsuporta ko kasi laging nabibigyan ng ibang kulay, so siguro pag hindi na langhinihingi, wag na lang ibigay or para hindi na lang masira.

"I feel for Sam, you know. Hindi naman deserving ‘yong taosa chismis na ganoon. Ako, sanay naman ako eversince. Ako na lang siguro ‘yong iiwas, ‘yong iilag para hindi namabigyan ng kulay ‘yong nakakasama mong ano."

He managed to joke, "Kawawa naman ako, di ba!"

He added, "Bukod sa sanay, natatawa na lang ako. Siguronakakahiya din doon sa naiintriga sa 'yo because parang mas bata, mas bago. Sopara na lang ma-prevent ‘yong ganoon, ikaw na lang ‘yong hihiwalay, ‘yongiiwas."

"Pero hindi mo rin naman maiwasan saASAP na magkulitan. Mga lalaki ‘yon, e. Si Luis [Manzano] nga last time, para hindina doktorin ‘yong picture, yayakap sa 'yo sa likod. Lokohan lang. Para wala nangdoktoran. Sabi ko nga, ‘Kuha ka ng camera! Erik, sakay ka sa likod ko!'" ended Piolo laughing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN