Ai-Ai delas Alas reveals her political ambition


"Pero saka na yun, kapag mayamang-mayaman na ako na hindi ko na kailangang mangurakot. Gusto ko rin kasing makatulong," says Ai-Ai delas Alas about her political plan.



From a pictorial, dumiretso na ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa solo press con ng kaniyang first movie of the year, Star Cinema's Ang Cute Ng Ina Mo, kahapon, March 28. Siya ang title role dito at makakasama niya sina Anne Curtis, Luis Manzano, Eugene Domingo, John Lapus, Nikki Bacolod, and Vince SaldaƱa.

Happy si Ai-Ai na binigyan siya ng ganitong importansiya ng Star Cinema na magkaroon ng sariling press con. Dagdag niya, ibinigay rin daw ng Regal Films ang same privilege the last time she did a movie for the Monteverde outfit, ang Shake, Rattle & Roll Y2K, "Poso" episode.

Napag-usapan ang pag-e-endorso niya kay Sherwin Gatchalian for mayor of Valenzuela; the same mayor Pauleen Luna will endorse.

Nasabi ni Ai-Ai na may political dreams din siya but not just yet. Minsan na rin siyang na-offer-an noon ngunit tinanggihan niya ito. Having said that, nais niya ring tumakbo in the future, malamang sa Calatagan, Batangas. Siguro raw, magsisimula siya sa mababang position, sa pagka-vice mayor.

"Pero saka na yun, kapag mayamang-mayaman na ako na hindi ko na kailangang mangurakot. Gusto ko rin kasing makatulong," sabi ni Ai-Ai in between dinner.

Asked kung sa 2010 election ba, hindi pa raw. "Baka later pa," dagdag niya.

Biniro namin siya kung hindi pa siya mayamang-mayaman at ang sagot niya, "hindi pa, mayaman pa lang." Kailangan daw yung may ipangtatapon na siyang extra na pera para lumaban sa eleksyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN