It's final!: Pauleen replaces Jennylyn in "My Kuya's Wedding"


Pauleen Luna (left) is finally replacing Jennylyn Mercado for the role of Ryan Agoncillo's fiancee in Regal Entertainment's My Kuya's Wedding.



Contrary to an earlier report na hindi magba-back out si Jennylyn Mercado sa My Kuya's Wedding ng Regal Entertainment, kumpirmadong pinalitan na talaga siya ni Pauleen Luna.

Tuesday night hanggang early morning of Wednesday, nagpi-pictorial na ang pinakabagong pelikula ng Regal Entertainment, ang My Kuya's Wedding. It will star Ryan Agoncillo and Maja Salvador as the mag-kuya, Jason Abalos as Maja's suitor, and playing Ryan's fiancee will be Pauleen—not Jennylyn anymore.

During the press launch of the movie to be directed by Topel Lee from the script of Allan Tijamo, listed nang si Jennylyn ang gaganap na girlfriend ni Ryan, although non-appearance siya dahil may earlier commitment. During the said press con, itinuwid na agad ng producer na si Roselle Monteverde-Teo that the role will not be a secondary character to the characters of Ryan and Maja although wala sa title role. Pantay-pantay raw ang bigat ng tatlong roles.

Katunayan, una itong in-offer kay Jolina Magdangal. Kailangan lang tumanggi ni Jolens dahil susuportahan niya ang kaniyang boyfriend na si Bebong Muñoz who will run for the congressional seat in the second district of Caloocan City.

Nag-issue na rin ng statement si Jennylyn na walang problema sa kaniya if people will perceive that this is not a starring role or kung second choice lang siya at nasabi niya rin na hindi siya magba-back out.

Hindi pa alam ang dahilan why Jennylyn was replaced by Pauleen.

Nakausap namin si Pauleen during the live telecast of RPN 9's Showbiz Ka at sabi niya, wala rin siyang problema kung third choice lang siya. Ang mahalaga, siya pa rin ang final choice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN