Ai-Ai on Pokwang: "Wala namang comparison."


"Wala namang comparison kasi unang-una,modesty aside, nauna naman ako sa kanya,” comments Ai-Ai delas Alas (left) about being compared to fellow comedienne Pokwang.



“Ayoko nangpag-usapan si James,” ito ang panimula ni Ai-Ai delas Alas nangtanungin kung okay lang siyang makipagbati sa asawa ni Kris Aquino na si JamesYap sa grandpress con ng pinagbibidahan niyang pelikula na Ang Cute ng Ina Mo.

Nag-ugat ang hindipagkakaunawaan nina Ai-Ai at James nang magbiro ang Comedy Concert Queen naisauli muna ng kaibigan niyang si Kris ang basketball player sa nanay nito noong kasagsagan ng James-Hope controversy. Pagkatapos, nakatanggap si Ai-Aing text message mula kay James. Gamit ang cell phone ni Kris, sinabi diumano ng cager na huwag siyangmakikialam sa problema nilang mag-asawa at hindi siya nakakatawa.

Iwas mang magbigayng dagdag ng pahayag sa nasabing issue, naging bukas naman si Ai-Ai na sagutinang ilan sa mga binato sa kanyang intriga. Isa na nga rito ang patuloy napagkukumpara sa kanila ng komedyanang si Pokwang.

Nang papiliin ngaraw ang isa pang comedienne na si Eugene Domingo kung sino para sa kanya ang masmagaling between Ai-Ai and Pokwang ay nahirapan itong pumili.Na-offend ba si Ai-Ai kay Eugene?

“To be honest, 'diako na-offend kay Eugene,” sabi ni Ai-Ai. “Sabi ko nga, baka iniisip niya kasina ‘pag sinagot niya the other way around, ma-offend ako. O 'pag pinili niya na ako,ma-offend si Pokwang. Pero sabi ko nga, wala namang comparison kasi unang-una,modesty aside, nauna naman ako sa kanya.”

Sa kabila ng mgapagkukumpara at pang-iintriga kina Ai-Ai at Pokwang, bukas daw ang ComedyConcert Queen na makasama sa trabaho si Pokwang.

“Okay lang. Kungmaganda naman yung project, why not, di ba?” nakangiti niyang sagot.

Samantala,ikinagulat ng marami nang ipagtapat ni Ai-Ai sa mga nakaraan niyang interviews na hindi pala ang dating singer na si Miguel Vera ang ama ng panganay niyang anak na si Sacho kundiisang theater actor. Kung ikina-shock ito ng iba, hindi na ni Sacho dahil sasimula pa lang pala ay ipinagtapat na raw ni Ai-Ai sa anak ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since one year old pa lang si Sacho, si Miguel na angnakamulatan niyang ama. In-open ko sa kanya yun nung nine years old pa langsiya. Nung una, na-shock siya, then na-realize niya na tama lang naman na malamanniya kung saan siya nanggaling, kung sino ba talaga ang tunay niyang ama,”kuwento ni Ai-Ai.

Katulad ngibang mga magulang na lumaki at naging hanapbuhay na ang pagsu-showbiz, ayawrin ni Ai-Ai na mag-artista ang kanyang mga anak.

“Ayoko, e,” sabi niAi-Ai. “Sabi ko nga, kung kaya ko naman silang pag-aralin na 'di magta-trabaho atmagpupuyat, ako ang magta-trabaho dahil responsiblidad ko yun. Yung ibang mgakabataan natin, nag-aartista sila kasi gusto nilang makatulong sa pamilya nila.Ako, kaya ko naman silang pag-aralin.

Dagdag pa niya,“Ang hirap mag-artista, akala lang nila madali. Yung mga bata, kahit tulog,ginigising. Ayokong maranasan ng mga anak ko yun. Actually, masarap kasi sikatka pero behind that, di nila alam na mahirap.”

Sa usapang lovelifenaman ay naikuwento sa amin ng comedienne na isang Tiger ang diumano’ynagte-text sa manager niyang si Boy Abunda para ipaabot ang nararamdaman nitokay Ai-Ai.

"Si Tiger, ewan ko nga diyan kay Ama [Boy],kung sino ba si Tiger. Gusto ko nga siyang makilala. Alam mo Tiger—kungnasaan ka man—ako ang i-text mo, wag si Boy, para makilala kita, paramagkaalaman na kung sino ka ba talaga! Come, Tiger, come!” natatawa niyangsabi bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN