Nadine Samonte wants her stolen ring back


Nadine Samtonte's Sta. Rosa, Laguna home was robbed last Sunday, March 25, and one of the items taken was the ring given to her by her German father as a birthday gift when she turned 18.



Singsing na bigay ng kanyang German father ang nais ng young actress na si Nadine Samonte (Nadine Eidloth in real life) na mabalik sa kanya pagkatapos pasukin ng mga magnanakaw ang bahay niya sa Sta. Rosa, Laguna, noong Linggo, March 25.

Balewala na kay Nadine at sa kanyang Filipina mom ang iba pang alahas na nanakaw sa kanila, pati na ang cash money na nagkakahalaga raw ng P45,000, basta makuha na lang nila uli ang naturang singsing.

May sentimental value daw ang singsing dahil regalo ito kay Nadine ng foreigner niyang ama sa debut niya last year. Pure gold daw ang naturang singsing na may maliit na bato at binili pa ito ng father niya sa Italy.

Ayon sa ina ng young actress, mahalaga para kay Nadine ang singsing.

Tradisyon ng pamilya ng German father ni Nadine ang bigyan ng isang mahalagang bagay ang isang babaeng tumutungtong sa edad na 18. Ito raw kasi ay simbolo ng pagbibigay kalayaan ng isang ama sa kanyang anak na babae. Simbolo rin ito ng pagpapahalaga ng kanyang ama sa pagdadalaga ng kanyang anak.

Gusto sanang magpagawa na lang ni Nadine ng replica ng singsing, pero naisip nitong mawawalan din naman ito ng saysay.

Ayaw raw ipaalam ni Nadine at ng kanyang ina sa ama ng young actress ang nangyari dahil baka raw kasi madismaya ito sa nangyari. Pero umaasa pa rin ang mag-ina na mababalik sa kanila ang singsing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN