Gabby Eigenmann informs Heart Evangelista about his meeting with Leni Robredo

Apr 14, 2016
<p>Gabby Eigenmann on endorsing the candidacy of Leni Robredo: "I like her platform. Hindi ko sinasabing dahil dinadala lang niya ang apelyido ng asawa niya [the late Jesse Robredo], but she's very passionate, e. Maano siya sa humanity, magaan siyang kaus

Nilinaw ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann na wala siyang kandidatong iniendorso para sa May 9 elections.

Ito ay sa kabila ng isa siya sa mga artistang dumalo sa isang dinner para sa vice-presidential candidate na si Congresswoman Leni Robredo.

Saad ni Gabby, “Well, nagkaroon kasi ng meet and greet, yun nga, tumatakbong vice president si Leni Robredo.

“We were there to listen and get to know the person.

“Siyempre, you want to know the candidates, di ba?

“Pero at the end of the day, kung sino talaga ang napupusuan mo to lead the country. 

“Hindi ko sinasabing puwedeng si ganito, si ganyan.”

Hindi pa rin siya kumbinsidong si Robredo ang suportahan sa posisyong vice president?

Sagot ng Kapuso actor, “Well, I like her platform. 

“Hindi ko sinasabing dahil dinadala lang niya ang apelyido ng asawa niya [the late Jesse Robredo], but she’s very passionate, e.

Continue reading below ↓

“Maano siya sa humanity, magaan siyang kausap.

“Kung doon man ako papunta, I have nothing against the others.”

CALL TO HEART. Naikuwento rin ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nang maimbitahan siya sa dinner para kay Robredo ay nagpaalam siya kay Heart Evangelista, na nakasama niya sa teleseryeng Beautiful Strangers (2015) at kaibigan niya.

Si Heart ang misis ng vice-presidential candidate ding si Chiz Escudero.

Lahad ni Gabby, “Nagpaalam ako kay Heart.

“I texted her and sabi ko, ‘Okey lang ba?’

“With due respect kasi, ayokong magkaroon ng conflict sa co-peers ko sa industriya.

“Siyempre, I’ve worked with Lovi Poe, naging kaibigan ko rin sila eventually na, up to this day, I still keep in touch.

“So, I made the initiative to, at least, text her [Heart].

“Sabi ko nga, 'Okay lang if I can call you?'

Continue reading below ↓

“And sabi niya, ‘Okay lang, I’ll call you na lang,’ nasa meeting lang siya.

“She eventually called me and I said, ‘I was invited to a meet and greet and I have nothing against…’

“And I would also like to have the opportunity, kasi nakilala ko rin si Chiz.

“Natuwa siya. Sabi niya, ‘Grabe naman, na-touch naman ako na naisip mo pang magpaalam, magsabi.’

“Sabi ko, ‘Siyempre ayokong makasakit and we’re all in one industry na napakaliit lang.’

“Kasi friend ni ganito, friend ni ganyan. Yung walang hard feelings.

“Kasi, at the end of the day, hindi rin naman natin malalaman kung sino talaga.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Gabby Eigenmann on endorsing the candidacy of Leni Robredo: "I like her platform. Hindi ko sinasabing dahil dinadala lang niya ang apelyido ng asawa niya [the late Jesse Robredo], but she's very passionate, e. Maano siya sa humanity, magaan siyang kaus
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results