Mark Bautista still open to sexy image


Singing heartthrob Mark Bautista says he is open to change his wholesome image to a sexier one, but not in a drastic manner.



Ang parents and family ni Mark Bautista ang pumigil sa kaniya na mag-sexy pictorial.

Late last year, napabalitang Mark will be the next cover boy of X-Ray magazine that features several matinee idols and singers with wholesome images posing sexily. This includes StarStruck winners Mark Herras and Mike Tan, Jake Cuenca, and Biboy Ramirez, among others.

Si Mark sana ang magiging next cover boy that will also feature the first sexy pictorials of StarStruck Avenger Dion Ignacio, former child actor CJ Ramos, and Close Up to Fame 2's Vince SaldaƱa, also a Viva Artist Agency (VAA) talent just like the ASAP Champion.

Unang napabalitang natanggal sa list si Vince. Hindi nagkasundo ang VAA at ang publisher how sexy Vince will be in his pictorial. Nais sana ng VAA na topless lang siya just like the pictures of the two StarStruck boys.

Later on, nabalitang tumanggi na rin pala si Mark. Again, dahil sa hindi pagkakasundo sa isusuot niya.

Cycling shorts ang napagkasunduan na isusuot ni Mark as his most daring. Later, nag-suggest ang publisher na kung puwede raw ay briefs. Payag naman si Mark noong una ngunit tumanggi raw ang kaniyang parents and then his whole family na. Mark also declined afterwards.

Sabi ni Mark, open naman siya to change image but not that drastic. Singer naman daw siya primarily, not an actor, so he doesn't need extreme change like that.

Kung offer-an muli, pag-iisipan ni Mark kung tatanggapin pa niya ito o totally hindi na.

In his next album, Mark says nagpaka-daring na rin daw siya sa ibang pictorial. When asked how daring, nag-topless daw siya sa ibang shots at sa iba naman, in just open vest. Sa last album ni Mark from Viva, one of his MTVs features him in wet polo and pants while singing in the rain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN