Anne Curtis: "I'm accepting a lot of friends but definitely I'm single."


Anne Curtis is now being linked to her "soulmate" Luis Manzano (left) and politician Erwin Genuino (right), but the young actress says neither of them is her boyfriend.


Almost two years nang single ang young actress na si Anne Curtis, and now, she's open to dating again.

Bida sa pelikulang Ang Cute ng Ina Mo from Star Cinema, starring Ai-Ai delas Alas and paired with Luis Manzano, tahasang sinabi ni Anne na wala silang relasyon ni Luis although she considers him her soulmate.

While mayroon silang ala-My Best Friend's Wedding pact na at a certain age ay wala pa rin silang karelasyon ay sila na ang magpapakasal, Anne stresses she is not Luis's girlfriend.

Friend lang din sila ni Edwin Genuino, ang napapabalitang ardent suitor ni Anne na kakandidato sa Makati. Katunayan, nang nag-file si Edwin ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC), sumama si Anne at naki-photo op pa with her and Edwin holding the COC together na para raw marriage certificate.

"I'm accepting a lot of friends, but definitely I'm single," sabi ni Anne during the general press con of several Viva Artist Agency (VAA) talents sa Viva office sa Tektite last Thursday night, March 29.

"I'm in this stage where I'm open to dating again," dagdag pa niya.

Aminado si Anne that she relishes her single years. Mula nga kasi nang nagka-boyfriend siya starting with Chubi del Rosario, nagkasunud-sunod na ito. Oyo Sotto came next and then Richard Gutierrez. Ang huling boyfriend ni Anne was Paulo Araneta. Up to now, she fancies having a child, kung puwede, sa isang Spanish.

"After me and Pau broke up, naisip ko parang tama na muna. Siguro naman makakaya ko yun. Noong una ang hirap, parang all my friends are telling me to go dating again, pero sabi ko kaya ko.

"I'm happy that I was able to be single and happy for a long time. Now, I've come to a point where I think its time to go dating again," sabi pa ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This doesn't mean she's jumping to another relationship again. May isa kasing wish si Anne kung sakaling makikipag-relasyon na naman siya. Kung puwede raw, he's the one na—the one na makakasama niya forever.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN