Katrina Halili worried about the lump on her neck


"Ang takot ko talaga ay ang sabihin sa akin ng doktor na tumigil muna akosa trabaho dahil kailangan kong magpagaling. Parang ang hirap kasisunud-sunod ang dumarating na trabaho sa akin. Nakakapanghinayang natumigil. Tinitimbang ko naman ang lahat. Ano ba ang importante,kalusugan ko ba o ang trabaho? Hindi pa ako makapag-decide talaga," says Katrina Halili about her health condition.



More than P100, 000 ang halagang kailangang kitain ng young sexy actress na si Katrina Halili buwan-buwan para sa mga gastusin niya. Ito raw ang dahilan kung kaya't hindi siya puwedeng basta na lang tumigil sa pagtatrabaho para ipatingin ang mga bukol na lumalabas sa leeg niya.



Natatakot daw si Katrina na kapag nagpa-check-up siya ay bigla siyang sumailalim sa isang major operation. Ibig sabihin nito ay kailangan niya munang tumigil sa trabaho.



"Yun kasi ang worry ko," sabi ni Katrina. "Sino naman ang ayaw magpatingin sa doctor, di ba? Minsan nga sumasakit [yung leeg ko], lalo na sa may lalamunan ko. May iniinom akong antibiotics na nakakatulong naman.



"Pero ang takot ko talaga ay ang sabihin sa akin ng doktor na tumigil muna ako sa trabaho dahil kailangan kong magpagaling. Parang ang hirap kasi sunud-sunod ang dumarating na trabaho sa akin. Nakakapanghinayang na tumigil. Tinitimbang ko naman ang lahat. Ano ba ang importante, kalusugan ko ba o ang trabaho? Hindi pa ako makapag-decide talaga," naguguluhang pahayag ng dalaga.



Marami ang nagpapayo kay Katrina na kailangan na niyang mag-undergo ng treatment bago pa man lumaki ang bukol niya sa leeg. Kung pera rin lang ang pumipigil kay Katrina, nandiyan naman daw ang mga magulang niya para suportahan siya.



"Nahihiya kasi ako sa Mommy ko," sabi niya. "Sinabi naman niya na siya ang bahala sa akin kasi concerned din siya sa health ko. Ako kasi, gusto ko nang maging independent. Ayoko na pati mga gastusin ko sa araw-araw ay iaasa ko pa sa Mommy ko.



"Sa kotse ko na nga lang, umaabot ako ng more than P35,000 kada buwan. Isama pa natin ang gastos sa condo, pagkain, suweldo sa mga kasamahan ko sa bahay, kuryente, at kung anu-ano pa. Nahihiya akong ipa-shoulder lahat ‘yan sa Mommy ko. Kaya hangga't makakaya ko, magwu-work ako. Though si Mommy, gusto niyang magpatingin na ako sa doktor," kuwento pa ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hinala nga ni Katrina na baka sa bigla niyang paghinto sa paninigarilyo nakuha ang sakit niya.



"Nag-stop akong mag-smoke November last year. Basta tumigil na lang ako. Doon ako nakaramdam ng sakit ng lalamunan. Baligtad nga, e. Kung kailan ako tumigil sa bisyo, doon pa ako nagkaroon ng mga ganitong sakit," aniya pa.



Magsisimula na sa April 9 ang bagong show na kinabibilangan ni Katrina, ang Lupin, kung saan isa siya sa mga leading ladies ni Richard Gutierrez. Nakailang advanced tapings na raw sila kaya mahirap daw na basta na lang siya mawawala sa show ng pansamantala.



"Ipinagdarasal ko talaga ang kalusugan ko. Sa ngayon, kaya ko pa. Kapag ramdam ko na hindi ko na kaya, doon na talaga ako titigil para magpatingin. Nilalakasan ko na lang ang loob ko ngayon kasi ayokong isipin na magiging grabe itong bukol sa leeg ko," sabi ni Katrina bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN