Anne on Luis: "I look at him as someone I would like to marry someday."


"With Manzano, marami akong natutunan. ‘Pag kausap ko siya, parang lagi akong may tanong. Saka ang bait, e, at ang talino pa," says Anne Curtis about Luis Manzano.



Sa press con na ipinatawag ng Viva kagabi, March 29, para sa kanilang mga talents, ipinagmalaki ni Anne Curtis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na na-extend pa ng another month ang kinabibilangan niyang drama series na Maging Sino Ka Man ng ABS-CBN kung saan kabilang siya sa cast along with John Lloyd Cruz, Bea Alonzo and Sam Milby.

"Extended siya hanggang May. Nakakatuwa kasi we're doing good daw sa ratings kaya lalo pa nilang pinaganda ang istorya kaya dapat talaga nila itong abangan," very excited na pagbabalita ni Anne.

In fairness, lahat sila ay magagaling sa nasabing teleserye. Kahit si Sam na bagito sa showbiz, hindi nagpahuli at nakipagsabayan ng akting sa kanila.

"Nakakabilib nga si Sam for a first timer. For someone who grew up in the States na hindi nagke-carry ng emotional baggage gaya natin, ang bilis niyang maka-adapt," sabi pa ng half-Aussie, half-Pinay young actress.

During the interview, napansin ng PEP ang napakaraming nunal sa dibdib at sa may bandang leeg ni Anne. Kapansin-pansin din ang ilang maliliit na nunal sa kanyang mukha, lalo na ang malapit sa kanyang mata.

"Hindi lang ‘yan. Marami pa dito [sabay talikod para ipakita ang mga nunal sa kanyang]. Ipapa-check ko na nga kasi dumadami, and sabi ng doctor prone sa cancer, lalo na itong sa may mata ko kasi nanganganak siya. Gusto ng Mom ko na sa Australia ko na ito ipatanggal," kuwento ni Anne.

Kumusta na ang lovelife niya?

"Loveless ako ngayon," mabilis na pakli ng dalaga. "Hindi totoo ‘yung sa amin ni Sam. Magkaibigan lang kami nu'ng tao. But I admit, attracted ako sa kanya. I like his face, he's very handsome. At ang ganda ng katawan niya. I also enjoy talking with him."

So, hindi siya naniniwala sa tsismis na bading si Sam?

"No, I don't think it's true," mabilis na sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung papipiliin siya between her ex-boyfriend Richard Gutierrez and Sam Milby, sino ang mas gusto niya?

"Si Sam!" walang gatol na sagot ni Anne. "Because he has the ability to make me laugh. With Richard, I was never given a long time to really know him but sobrang love ko ang family niya."

Between Oyo and Sam?

"Mahirap mamili kasi iba si Oyo. He's the type na maginoo pero medyo bastos. And I like him for that."

Between Luis Manzano and Sam Milby?

"Manzano [tawag niya kay Luis] is different. I look at him as someone I would like to marry someday. Nag-start kami dating 'tapos nag-evolve into best friends.

"Imagine, for seven years we were just talking. Eh, once you get married, at the end of the day, maiiwan lang naman talaga sa inyo is yung conversation. With Manzano, marami akong natutunan. ‘Pag kausap ko siya, parang lagi akong may tanong. Saka ang bait, e, at ang talino pa."

Apektado ba siya ‘pag may nali-link na iba kay Luis?

"Di ako nahe-hurt 'pag may pinopormahan siyang iba, pero kapag napansin ko na nane-neglect na niya ako, that's the time na I call his attention."

Natanong din sa kanya si Cogie Domingo.

"He was never my boyfriend and he never courted me. Oyo assumed, pero it's not true," huling nasabi ng 22-year-old actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN