James Blanco keeps mum about rumor that he is already an unwed father


"Alam n'yo, matagal na namang isyu nila ‘yan sa akin. Ang sagot ko ngalang diyan, iharap sa akin. Kung may lalabas at magsasabi na anak konga yun. Pero hanggang ngayon, wala namang nagpapakita at lumalabas," says James Blanco.



Kahit walang gaanong regular shows at projects ang young actor na si James Blanco lately, aside sa Kemis nila ni Bayani Agbayani sa RPN-9, masaya naman ang young actor na natapos na niya ang ipinagawang bahay sa Parañaque para sa sarili. Gayundin ang town house na ang plano naman niya ay parentahan.



Nang makausap ng (PEP) Philippine Entertainment Portal si James, naikuwento nitong dahil sa naging investment niya three years ago nanggaling ang perang ipinagpatayo niya ng sariling bahay. Pero ang naturang investment din daw ang nagbibigay ng problema sa kanya ngayon dahil na-scam daw siya ng taong pinagkatiwalaan.



"Three year ago kasi, nag-invest ako sa isang money lending. Bale kaibigan ng kaibigan ko yung taong pinagkatiwalaan ko ng pera for investment nga. Bago naman kami nag-invest, nag-check muna kami kung totoo ngang meron ganoong money lending. Ito yung Razon," salaysay ng young actor.

"Meron naman kaming na-check, so okay, nagbigay na kami ng pera. Kaso, nang iwi-withdraw ko na yung pinaka-puhuhan ko last year, doon na namin na-discover kung ano ang totoo," sabi pa ni James.



Sa kuwento ni James sa PEP, nadiskubre nila na hindi pala diumano naka-rehistro ang pangalan ng taong pinagkatiwalaan nila sa Razon. Ito ang dahilan kaya naman after three years, noon lang nila nalaman na hindi pala diumano sa money lending napupunta ang milyones na ini-invest niya.



Two million pesos daw ang ini-invest ni James dito at for three years naman daw, kumikita rin siya ng malaki dahil sa interest na nakukuha niya. Pero nang magkabukuhan na nga, saka lang nila nalaman na sa isang klase ng pyramid or networking pala ito diumano dinadala.



Last October of 2006 raw nila ito nadiskubre at ngayon ay may kaso na silang isinampa laban sa taong pinagkatiwalaan. May kutob din si James na isang klase ng sindikato ang nasa likod ng taong pinagkatiwalaan ng kanyang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, hindi pa rin mamatay-matay ang isyung may mga anak na diumano si James at ka-live-in na raw niya ang ina ng mga anak. At kung noong una'y isa pa lang ang napapabalitang anak niya, ngayon ay nadagdagan na raw ito at dalawa na.



Kaya itinanong ng PEP kay James kung ang napapabalita bang ka-live in niya ang ititira na niya sa bagong bahay at mga anak nila?



"Hindi! Wala akong ka-live-in!" natatawa niyang pagtanggi.

"Ako lang po ang nakatira sa bahay na ipinagawa ko. Yung parents ko naman, may sarili naman silang bahay. Wala talaga. Hindi ko naman idine-deny na may girlfriend ako ngayon, pero non-showbiz at hindi kami live-in," aniya pa.



E, yung tungkol sa dalawang anak niya raw?



"Alam n'yo, matagal na namang isyu nila ‘yan sa akin. Ang sagot ko nga lang diyan, iharap sa akin. Kung may lalabas at magsasabi na anak ko nga yun. Pero hanggang ngayon, wala namang nagpapakita at lumalabas," tila paghahamon pa ni James na indirectly, hindi rin naman sinagot kung meron o wala nga siyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN