Rachelle Ann Go: "Sobrang loyal si Christian."


"Kahit kailan hindi niya ako binigyan ng dahilan para magselos. Maynakapagsabi nga sa akin na 'pag may show si Christian sa abroad nahindi ako kasama at nilalapitan siya ng girls, sinasabi niya raw na 'Ihave a girlfriend.' O kaya 'I'm committed.' Siyempre, nakaka-touch.Feeling ko ang haba-haba ng hair ko, di ba?" says Rachelle Ann Go about her relationship with boyfriend Christian Bautista.



Nakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young singer na si Rachelle Ann Go sa press con na ipinatawag ng Viva Artists Agency (VAA) ni Veronique del Rosario last March 29 at masayang naikuwento niya na may plano na silang gawin ng boyfriend niyang si Christian Bautista ngayong darating na Holy Week.

"Plano naming mag-beach kasama ang mga pamilya namin. Nagawa na namin ito before, masaya. Very close ang mga pamilya namin ni Christian sa isa't isa and that's one thing na maganda dito sa relasyon namin. One year and one month na kami ni Christian nung March 24," sabi ng dalaga.

Inamin ni Rachelle na hindi pa man siya nililigawan ni Christian ay crush na niya ang singing heartthrob.

"Crush ko siya pero siyempre hindi ko ipinapahalata sa kanya. Pero bago ko siya naging crush, asar na asar muna ako sa kanya. Hindi ko talaga siya type kasi feeling ko, ang yabang-yabang niya," kuwento ni Rachelle.

"Kasi ba naman nung one time na may show kami sa Marikina, matagal na, kapapanalo ko pa lang nun [sa Search for A Star], hindi man lang ako paupuin, e, nakikita niyang nangangawit na ako sa pagkakatayo. Siguro dahil hindi niya ako kilala.

"Then after that sa Sharon naman, sabay kaming nag-guest kasama ang ibang Champions, medyo matagal na kaming nag-aantay. Maya-maya lumapit siya sa amin may dalang playcards, sabi ba naman ‘Guys, do you wanna play?' Hindi ko nga pinansin. Hindi rin ako sumali sa laro nila. Nung kami na, sinabi ko sa kanya yun, natawa lang siya. Hindi daw niya alam," natatawang kuwento pa niya.

Itinanggi naman ni Rachelle ang isyu na pinagselosan niya noon sina Iya Villania at Anne Curtis na kasama nila ni Christian sa ASAP.

"Nung lumabas 'yang isyung 'yan, natawa na lang ako. Nagtaka ako kung saan nanggaling kasi never akong nagselos dahil secured naman ako sa relationship namin ni Christian," kampanteng sabi ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a boyfriend, sobrang loyal si Christian kaya walang reason para magselos ako. Kahit kailan hindi niya ako binigyan ng dahilan para magselos. May nakapagsabi nga sa akin na 'pag may show si Christian sa abroad na hindi ako kasama at nilalapitan siya ng girls, sinasabi niya raw na 'I have a girlfriend.' O kaya 'I'm committed.' Siyempre, nakaka-touch. Feeling ko ang haba-haba ng hair ko, di ba?" sabay tawa pa ng singing champion.

Napag-usapan din ang isyu noon kay Christian na may relasyon ito sa manager na si Carlo Orosa.

"Never akong naniwala kasi pareho silang Born Again Christian nung manager niya. Minsan nga naaawa na ako kay Christian kasi nakikita kong naiinis na siya at napipikon sa mga balita. Sabi niya ‘Why are they like that?' Sabi ko huwag na lang niyang pansinin kasi hindi naman totoo. Saka ganyan lang talaga dito sa showbiz. Buti naman namatay na rin yung isyu," sabi pa ni Rachelle.

Napansin ng PEP na ang seksi-sexy ngayon ni Rachelle. Paano kung alukin siya na mag-pose nang sexy sa men's magazine?

"Actually, may mga nag-offer na po kaya lang sabi ko hindi puwede. Never. Hindi ko po kaya," sunud-sunod na tanggi ng dalaga.

"Nakakatawa nga kasi minsan niloko ko si Christian. Sabi ko pumayag na ang management, ang Viva, na magpa-pictorial ako nang sexy para sa isang men's mag. Sabi niya, ‘What? What did your mom say?' Sabi ko wala na akong magagawa kasi yung Viva na ang nagdesisyon. Sabi ko hindi naman masyadong seksi. Sabi niya, ‘Maski na! The fact na men's mag. 'yan, blah blah blah!' E, naawa naman ako kaya sinabi ko na ang totoo na niloloko ko lang siya," sabay halakhak na kuwento pa ni Rachelle.

Incidentally, nakatakdang umalis sina Rachelle at Christian para sa US tour ng kanilang You & Me concert na gagawin sa San Diego, California on April 13; Alameda, California on April 14; Los Angeles, California on April 15; Hanford, California on April 20; and Las Vegas on April 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN