Career and religion, reasons for Paolo and Isabel's cool-off period


Paolo Contis and Isabel both deny that the reason why they decided to cool-off was because of Isabel's sexy billboard.



Hindi matutuloy ang Singapore trip ni Isabel Oli next month.

Nasa Pilipinas ngayon ang buong pamilya ni Isabel. Ooperahan ang kaniyang ama sa prostate this Monday, April 2. Dumating sa Pilipinas late this month ang kaniyang ama kasama ng kaniyang ina at dalawang kapatid na babae na based na sa Singapore. Darating naman from Cebu ang kaniyang mga kapatid na lalaki.

Na-move na rin ang kaniyang Japan shoot na gagawin sana before Holy Week. This is for an international company. Sinuwerte rin si Isabel na na-move ito for her to be with her father's side.

Samantala, hindi rin natuloy ang Russian religious mission ni Paolo Contis in favor of another out of the country trip.

Now a Born Again Christian just like his girlfriend Isabel, dapat sana ay pupuntang Kyrgyzstan si Paolo on a religious mission for their fellowship. Dahil conflict ito sa isa pa sana niyang out of the country tour—for Middle East naman for Pinoy TV—ang Pinoy TV trip niya ang unang napabalitang hindi matutuloy.

It will be the other way around na pala, sabi sa amin ni Paolo during the press launch of Fantastic Man ni Mark Herras where he plays a retokadang kontrabida by the name of Madam Tisay. Ang kaniyang religious mission na ang on hold at ang Pinoy TV tour niya ang matutuloy.

Umamin na pareho sina Isabel at Paolo na cool-off sila ngayon dahil sa career at religion. Focus kasi ngayon si Paolo sa kanilang religion at si Isabel naman, sa kaniyang career. No truth in the rumor na ang isang pinag-awayan nila ay ang Cinderella billboard ni Isabel kung saan naka-two-piece siya.

During the launch of Isabel's other endorsement, ang Fly Wear, which was a month ago pa, nasabi na sa amin ni Isabel na may problema sila ni Paolo pero pina-off the record muna. We asked her kung ang sexy pictorial niya ba ang isa sa mga dahilan and that time pa lang, sinabi na ni Isabel na hindi. Surprised and proud pa nga raw si Paolo about her pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN