Aga breaks his silence about Nino Muhlach's drug case


"All I can do is wish him well and just pray for whatever napinakamagandang mangyayari para sa pinsan ko. God is good always. Godloves us. Kaya mo yan," says Aga Muhlach (left) about his cousin Niño Muhlach.



Sa wakas ay binasag na rin ng multi-awarded actor na si Aga Muhlach ang katahimikan ng kanilang pamilya kaugnay sa pagkaka-aresto ng pinsan niyang si Niño Muhlach (Angelo Jose Rocha Muhlach in real life) dahil sa illegal drug possession.

Si Niño ay matatandaang inaresto ng mga pulis sa isinagawang entrapment operation sa loob ng isang shopping mall sa Libis, Quezon City noong Marso 13. Ayon sa balita, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na may nagaganap na drug trade activities sa Shopwise mall in Libis. Wala nga raw ideya ang mga kapulisan na ang aktor na si Niño ang tinutukoy ng informer na tumawag sa kanila.

Sa isinagawang operasyon, caught-in-the-act umano si Niño habang inaabot mula sa isang babae ang isang object na idinaan sa ilalim ng mesa. Agad kumilos ang mga pulis para dakpin ang dating child superstar habang nakatakas ang babaeng nag-abot ng shabu.

Matapos arestuhin, dinala si Niño sa Camp Bagong Diwa in Taguig City kung saan ikinulong siya ng tatlong araw. Pansamantala siyang nakalaya matapos magpiyansa ng P200,000.

Ayon kay Aga, "Mahal ko si Niño. Mahal ko ang pamilya ko."

Idinagdag pa ni Aga na sinusuportahan niya ang pinsan at alam niyang kakayanin nito ang anumang pinagdadaanan.

"We already know what happened so you know, all I can do is wish him well and just pray for whatever na pinakamagandang mangyayari para sa pinsan ko. God is good always. God loves us. Kaya mo yan."

Ang pagdinig sa kaso ni Niño ay nakatakdang isagawa sa darating na April 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN