Juliana Palermo answers Ynez Veneracion's accusations on "S-Files"


Juliana Palermo (left) will finally break her silence as she guests on S-Files tomorrow to answer the accusations thrown at her by Ynez Veneracion.



Nagpasya ang sexy actress na si Juliana Palermo na sagutin ang mga paratang laban sa kanya ni Ynez Veneracion.



Nakatakdang mag-guest bukas, April 1, si Juliana sa S-Files (GMA-7, 4 to 6:30 pm) para isa-isang sagutin ang mga bintang ni Ynez.



Ayaw na sanang patulan ni Juliana ang mga patutsada ni Ynez, pero nakatanggap siya ng e-mail mula sa readers ng kanyang weekly Sunday column sa Philippine STAR. Hiniling ng readers na marinig ang panig ni Juliana tungkol sa walang katapusan na paninira sa kanya ni Ynez.



Naniniwala raw sila na hindi kapatol-patol ang cheap publicity stunts ni Ynez, pero kailangan na ni Juliana na magsalita para malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo at nanggagamit para magkaroon ng libreng media exposure.



Sasagutin din ni Juliana ang isyu tungkol sa diumano'y mamahaling sasakyan na ibinigay sa kanya ng character actor na si Mon Confiado, na parehong iniuugnay kina Juliana at Ynez. Sa interview ng S-Files kay Mon, itinanggi nito ang balita na nagregalo siya ng mamahaling sasakyan (worth P1.6 M) kay Juliana.



Nangako si Juliana na sasagutin niya ang lahat ng itatanong sa kanya ng S-Files para magkaalaman na kung sino ang gumagawa ng gulo at mahiig sa libreng publicity.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN